Editorial December 16, 2020 Ayon sa PAGASA, may pag-asa nang lumamig ang panahon, kahit may mga araw na matindi pa rin talaga ang init k...
December 16, 2020
Ayon sa PAGASA, may pag-asa nang lumamig ang panahon, kahit may mga araw na matindi pa rin talaga ang init kahit BER months na.
"Expect colder weather in the coming months as the Northerneastern monsoon or Amihan is here," ayon sa pahayag ng PAGASA.
Medyo mas lalamig na ang temperatura, dahil bukod sa Amihan, nalalapit na rin ang taglamig, ang panahon ng Käpaskuhan. "
SIMOY PASKO NA?
Transition period na nga, at ayon pa rin sa PAGASA ay babagsak ang temperatura sa pinakamababa mula Disyembre hanggang Pebrero 2020.
Simula Oktubre, malamig na hangin mula sa Northerneastern part ng bansa ang tuloy-tuloy na nararanasan at ito na nga ang simula ng amihan season.
Simula na rin ng panahon ng Kapaskuhan, kasabay ng disimiladong pangangampanya ng mga kandidato para sa may 2020 Barangay at SK elections.
Ilang miron ang pabirong nagsabi na tunay na masagana ang darating na pasko, babaha ang pera at alak, pagkain at regalo. Eh, dahil sa parating na eleksyon nga.
Sa aminin natin at hindi, tutuo naman iyan. Sasamantakahin ng mga kandidato ang panahon ng kapaskuhan para mamigay at makakuha ng boto; sasamantalahin din naman iyan ng mga botante para makahirit sa mga pulitiko.
PULITIKA TALAGA. GAMITAN LANG
Pero sana, huwag magpabola ang mga tao. Gamitin ang wastong isip sa pagpili ng karapatdapat.
At huwag kalimutan ang tunay na DIWA NG PASKO PAGIBIG SA DIYOS at sa TAO.
Sa panahon ngayon ng taghirap, nagmamahal na ang mga pangunahing bilihan, eh talagang hindi tatanggi ang mga botante sa ibibigay ng mga kandidato.
Tutal pasko nga, tanggapin ang BIGAY, IBOTO ANG TAMA.
Sa Mayo 2020 pa naman, at sana pag-isipan nating mabuti. KUNG MATUTULOY.
Para sa tunay na Pagbabago, simulan natin nang tama ang papasok na bagong taon, pero namnamin muna natin ang malamig na simoy ng PASKO.
No comments