Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Yes to City of Sto. Tomas, inaasahan na

by Lolitz Estrellado August 31, 2019 Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez STO. TOMAS, Batangas - “Very confident naman kami at inaasa...

by Lolitz Estrellado
August 31, 2019

Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez


STO. TOMAS, Batangas - “Very confident naman kami at inaasahan na namin, na sana ay YES VOTE sa city hood ng Sto. Tomas ang magiging desisyon ng mga botanting Tomasino sa gaganaping plebisito na nakatakda sa Setyembre 7, 2019 “

Ito ang isang tinig na na binigkas nina Sto. Tomas Mayor Edna P. Sanchez at Vice Mayor Armenius Silva sa isang media forum na ginanap sa conference room ng munisipyo kamakailan.

Ayon kay Mayor Sanchez, umiikot sila sa mga barangay at ipinaliliwanag sa mga tao ang mga kagalingan, pag-unlad at mga kabutihang matatamo ng Sto. Tomas sa sandaling maging pormal na itong isang component city o lunsod pagkatapos na maratepika ng mga Tomasino mismo sa gaganaping plebisito sa darating na Setyembre 7, 2019.

Sinabi pa nito na maayos naman at nauunawaan ng nga Tomasino ang mga bagay bagay kaugnay ng isyung ito, at tinatanggap nang masigla ang nalalapit na plebisito upang maging ganap nang siyudad ang kanilang bayan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ipinaliwanag naman ng masipag at magaling na bise, alkalde, Hon. Armenius Silva na walang dapat ipag-alala ang kanyang inga kababayan ukol sa sinasabing pagtaas ng buwis sa sandaling maging isang ganap nang lunsod ang Sto. Tomas.

“Hindi naman agad-agad iyan magaganap. At kung kailangan talaga, maaari po iyan pagkaraan o pagkalipas pa ng limang (5) taon, at syempre, dadaan iyan sa tamang proseso, sa sangguniang bayan, at public hearing. At kung maiayos naman, kailangan ay hindi lalampas sa sampong porsiyento (10%) ang itataas ng buwis. Malinaw naman iyan at nasa batas,” ayon kay VM Silva.

Kapuwa nagpahayag ang dalawang kasalukuyang pinakamataas na pinuno ng Sto. Tomas ng positibong pananaw ukol sa posibleng magiging resulta ng plebisito sa Setyembre 7 pagkatapos ng plebisito ay ito rin mismo ang araw na ganap nang isang lunsod ang Sto. Tomas, at matatala ito sa kasaysayan at taon-taon tuwing, sasapit ang nasabing petsa ay gugunitain at ipagdiriwang ng sambayanang Tomasino.

Umaasa naman ang kanilang mge kababayan na magpapatuloy ang magagandang serbisyo at mga programa ng lokal na pamahalaan at madaragdagan pa ang mga ito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.