Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

3rd quartely meeting ng cpoc, nakapokus sa oplan magilas

October 5, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang maibsan ang criminality rate sa lungsod, naging pokus ng isinagawang 3rd quarterly meeti...

October 5, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Upang maibsan ang criminality rate sa lungsod, naging pokus ng isinagawang 3rd quarterly meeting ng city peace and order council ang pagsasagawa ng kapulisan ng oplan magilas sa ilang barangay sa lungsod.

Bilang representante ni peace and order council chairman mayor dondon aclala, pinangunahan ni city administrator anacleto alcal jr. Gayon rin nina lucena pnp chief of police plcol reydante ariza, peace and order committee chairman city councilor americo lacerna, at city dilg officer danilo nobleza ang naturang pagpupulong kasama ang iba pang myempro ng konseho.

Naging magandang pagkakataon ito upang mailahad ni ariza sa kapulungan ang estado ng oplan magilas na kanila nang pinasimulan sa brgy. Dalahican noong nakaraang buwan.

Anito, nais nilang matutukang mabuti ang mga barangay upang tuluyan nang mawalan ng ano mang elemento ng iligal na droga at maibsan ang kriminality rate sa mga lugar na pinakang apektado sa loob 11 buwan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Mula raw kasi noong october 2018 hanggang september 2019, pagdating daw kasi sa mga barangay na nasa ilalim ng drug - clearing evalution ng philiphine drug enforcement agency, nangunguna ang brgy. Dalahican na may 82 crime volume , na sinundan ng brgy. Mayao kanluaran na may 45, 38 naman sa barangay 4, at 34 sa barangay 5.

Nangunguna naman ang brgy. Ibabang dupay sa lugar na may pinakamaraming naitalang krimen na may 169 na crime volume, sinundan ito ng brgy. Gulang-gulang na may 128 na krimen, brgy. Ibabang iyam na may 94 na kaso, 87 naman sa brgy. Isabang, at dalahican na may 82 crime volume.

Kabilang sa naturang 24 hour operation ang oplan salikop,oplan galugad, oplan sita,oplan katok,oplan bisita alpha,checkpoint/chokepoint,manhunt charlie.

Binigyang pasasalamat rin ni ariza ang mga ahensya na katuwang ng kanilang grupo sa paglulunsad at pagsasagawa ng oplan magilas kabilang na ang local government unit,brgy officials of concerned barangays, philippine drug enforcement agency 4a,city social welfare and development ,city anti-drug abuse council,lucena city traffic enforcement unit,bureau of fire protection,business processing licensing office (bplo),maritime unit,philippine coastguard,highway patrol group, at 1st coy qmfc. (pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.