by Lolitz Estrellado October 12, 2019 ALITAGTAG, BATANGAS - “Pabor naman ako sa panukalang bigyan ng extension hanggang sa 2016 ang te...
October 12, 2019
ALITAGTAG, BATANGAS - “Pabor naman ako sa panukalang bigyan ng extension hanggang sa 2016 ang termino ng mga nakaupong opisyales ng barangay dahil magkakaroon pa ng mahaba-habang panahong makapaglingkod kami sa aming mga ka-barangay at maipagpapatuloy ang mga nasimulang programa at proyekto makakabuti iyan. Kaya naisip ko lang, hindi kaya mas magaling, mas okay, ay gawin na lang 6-taon pero walang re-eleksyon ang Termino ng mga barangay officials, parang katulad ng sa presidente.”
Ito ang naging pahayag ni dating Kapitan Antonio “Tony” M. Chavez ng Dominador East na naging pangulo ng Alitagtag Association of Barangay Captains (ABC) at naging vice president din ng Batangas Province ABC, sa isang ekslusibong panayam dito noong Huwebes sa kanyang tanggapan.
Ayon kay Kap. Chavez, tila nga maiksi lang ang 3 taon, lalo na kung maraming magaganda at makabuluhang programa o proyekto ang mga opisyales ng barangay.
“Kulang ang 3 taon para sa tuloy-tuloy na mga programa at serbisyo. Parang 2 taon lang, kasi sa ika-3 taon, mabubulabog na ng paghahanda para sa susunod na eleksyon. Hindi naman iyan maiiwasan. So, para sa sarili kong pananaw, mas mabuti gawin na nga lang 6-taon pero wala ng re-eleksyon. Mas OK ang tingin ko dito kesa sa 3-taon na may 3 reeleksyon din. Kahit bale 9-taon iyan, hindi rin masabing me continuity kasi palagi paghahandaan din ang reeleksyon, abala rin, di po ba?” dagdag na pahayag ng mabait na kapitan na nasa ika-3 at huling termino na ngayon bilang punong barangay ng Dominador East.
Binigayang-diin ni Chavez na sa ngayon ay naipasa na sa Senado at sa Mababang Kapulungan ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabantaan elections sa December 5, 2022, na dapat sana ay sa Mayo 2020 gaganapin, kaya extended ang termino ng mga nakaupong opisyal ng barangay at SK.
No comments