Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

640 corn growers, nagtapos sa school-on-air program sa Batangas

by Mamerta De Castro October 12, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - May 640 corn growers mula sa 20 bayan sa lalawigan ng Batangas ang nagtapos ...

by Mamerta De Castro
October 12, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - May 640 corn growers mula sa 20 bayan sa lalawigan ng Batangas ang nagtapos kamakailan sa Ala Eh MaisKwelahan, isang radyo eskwela na proyekto ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (ATI).

Naglalayong mabigyan ng iba’t-ibang kaalaman ang mga corn growers hinggil sa mais na itinuturing na ikalawang pinaka-importanteng commodity kasunod sa palay o bigas, ang radyo eskwela ay sinimulan noong Mayo 3, 2019 at nagtapos noong Agosto 3, at isinagawa sa loob ng 14 na Sabado sa pamamagitan ng pakikinig sa programa sa radyo ng AL FM Radyo Totoo.

Ilan sa mga araling tinalakay sa programa ang corn industry situation, economic importance and use of corn, seed selection and germination, soil sampling and Ph soil analysis, Integrated Nutrient Management, pest and diseases of corn, aflatoxin nature, prevention and control, mechanization of corn marketing, record keeping, financial literacy, baby corn and corn silage, value adding and corn by-products, Philippine Crop Insurance Programs and Services at Agricultural Credit Policy Program at climate change.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa nabanggit na bilang ng mga nagsitapos, ang 126 dito ay corn growers mula sa lungsod ng Batangas, ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng bayan sa Batangas na nakilahok.

Sinabi ni City Veterinarian Dr. Macario Hornilla, isa sa banner program ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang Yellow Corn Sufficiency Program at malaki ang suportang ibinibigay nito sa programa upang maging matagumpay.

Sa mensahe ni Avelita Rosales, in-charge ng Regional Corn Program, handa ang tanggapan ng Department of Agriculture IV-A na magpaabot ng tulong sa mga corn growers partikular sa paggamit at pagkakaloob ng mga equipment at umaasa na sana ay maipagpatuloy at mas mapalawak pa ang pagmamaisan.

Isa sa nangungunang kabuhayan sa lalawigan ng Batangas ang paghahayupan kung kaya’t maraming feedmills ang gumagamit ng mais bilang raw material sa paggawa ng pakain ng mga alagang hayop. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.