Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ALQUEREZ, babansagang bilang Makapuno Island sa Pilipinas

October 26, 2019 ALABAT, Quezon - Kikilalanin ang ALQUEREZ Island (Alabat, Quezon, Perez), bilang ‘Makapuno Island’ sa bansang Pilipinas, ...

October 26, 2019

ALABAT, Quezon - Kikilalanin ang ALQUEREZ Island (Alabat, Quezon, Perez), bilang ‘Makapuno Island’ sa bansang Pilipinas, matapos ang ginanap na groundbreaking at farmers forum sa mga magsasaka ng makapuno sa sa Alabat Island National High School Gymnasium, Barangay Camagong, Alabat, Quezon noong Oktubre 23, 2019.

Dumalo si Quezon Governor Danilo Suarez para ilunsad ang Adopt-A-Makapuno tree at nilagdaan ang memorandum of agreement sa pagitan ng pamahalaang lokal ng tatlong bayan at ng Philippine Chamber of Commerce- Toronto Canada (PCCT). Ang PCCT ay nagkaloob ng $4,000 para gamitin sa makapuno investment projects.

Nagkaroon din ng Pledge and Support Commitment sa pangunguna ni Gob. Suarez, Mayors Fernando Mesa ng Alabat, Pepito Reyes ng Perez at Ma. Caridad Clacio ng Quezon, Vice mayors, SB Members at iba’t ibang ahensya ng pamahalaang national at lokal katulad ng DTI, DOST, PCA, DA, NIA, PCRDF, DOLE, LBP, PLGU-OPA, SLSU at pinuno ng Makapuno Growers Association.

Ayon kay Mayor Mesa, ang Makapuno Island ay isang pilot project na ang Overseas Filipino Workers na nagtratrabaho sa Canada ang magiging Overseas Filipino Investor ‘ibig sabihin yung pera nila na nakatago sa banko sa ibang bansa ay iinvest dito sa ating bayan at kikita ang ating bayan, kikita ang mga magsasaka, at kikita din ang mga kababayan nating investor na nasa ibang bansa.’

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang proyekto ng Makapuno Island, na sinimulan ni Mayor Mesa sapagkat nakikita niya na dapat mabigyan ang mga growers and coconut farmers ‘to have a comparative advantage of this high value, special breed that produces thick, tender and gelatinous meat for preserves, ice cream, cuisines and delectable desserts for the large gap on the supply and demand for makapuno meat for local and international market.’

“Kaya nga po hinahangaan ko po si Mayor Mesa ito po ang bayan na magandang tulungan because they take the initiative hindi mo na kailangang sabihin, gumawa kaagad sila ng programa. Of course I will visit your town (Alabat, Quezon, and Perez) as well, but we can have harmonious working relation between these three towns, sapagkat Alabat itself can be productive at magigi pang productive kung kasama ang Perez at Quezon, Quezon. Kaya nga matulungan po tayo,” ayon pa kay Governor Suarez.

Sa panig naman nina Mayors Reyes at Clacio na ipinangako nila ang kanilang buong suporta at pagsusumikapan pa na magkaroon nang pagbabago sa kanilang bayan bilang isang Makapuno Island.

Sa Makapuno Farmers ‘Forum naman ay tinalakay ang Philippine Makapuno Industry and Agribusiness Investment Promotion Program, branding at roadmap, upang pukawin ang mga residente ng Alabat Island para magkaroon ng ideya ukol sa embryo na may kulturang Makapuno at mga by-product. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.