Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang Bato

Editoryal October 26, 2019 BATO. STONE. Maraming kahulugan ito ang salitang bato. Bato - Maramot Bato - Tigasin Bato - Walang p...

Editoryal
October 26, 2019




BATO. STONE. Maraming kahulugan ito ang salitang bato.

Bato - Maramot

Bato - Tigasin

Bato - Walang pakiramdam

Bato - Tamad as in Bato-gan

Bato - SHABU, ang illegal na droga.

Alin ka rito??

Sige, kilalanin mo muna ang iyong sarili. Pansamantala, itong pinakamahalagang bato ang ating talakayin - ang bato na bahagi ng katawan ng tao. Bato ng tao, ang kidney, the internal organ. Ayon sa isang dalubhasang manggagamot, ang bato ay siyang nagtatanggal ng dumi at lason sa ating katawan. Kapag hindi ito naalagaan, buong katawan ay maaapektuhan kaya dapat itong ingatan. Ang bato ay nagsasaayos ng tubig at electrolytes ng katawan. Ang bawat tao ay mayroong isang pares ng bato na matatagpuan sa likurang bahagi ng tiyan, sa kaliwa at kanang tagiliran ng vertebral column.

Inilalabas ng bato ang sobrang tubig sa katawan at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan nito. Ito ay gumagawa ng mga kemikal na kailangan upang panatilihing malusog ang katawan. Sinasala ng bato ang dugo, ito ay upang ihiwalay at itapon ang mga dumi sa katawan na nakalalason. Produkto ito ng metabolismo ng katawan na inilalabas sa pamamagitan ng pagihi.

Ang bato ay lumilikha ng hormone na erythropoietin, ito ay tumutulong sa bone marrow na lumikha ng pulang selyula ng dugo.

Mahalaga ang bato sa pagsasaayos ng presyon ng dugo. ito ay sa pamamagitan ng pagayos ng blood volume o dami ng dugo at asin (sodium) sa katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng angiotensin, isa ring kemikal na galing sa bato. “ANG SAKIT SA BATO AY ISANG PANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO KUNG HINDI MATUTUKLASAN NG MAAGA AT MABIBIGYAN NG KAUKLANG LUNAS” Upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato, alagaan ang mga ito at itaguyod natin ang ating malusog na pangangatawan. Pano? Madali lamang, at napakasimple

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Uminom ng 8-10 (adult), 6-8 (bata) basong tubig araw-araw (para sa mga normal ang bato).

Pamalagiin ang kalinisan ng buong katawan.

Ugaliin ang araw-araw na pagdumi.

huwag pigilan ang pag-ihi.

Isangguni sa doktor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balat.

Huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari.

Ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihi.

Kumain ng pagkaing masustansya, hindi sobrang maalat o matamis.

Magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa isang taon.

Mag-ehersisyo araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan.

Kumpletuhin ang kailangang bakuna o imunisasyon ng bata.

Huwag manigariilyo.

Uminom lamang ng gamot kung may payo o preskripsyon ng doktor.

Kung nais uminom ng herbal supplements, kumunsulta muna sa doktor.

At higit sa lahat mamuhay tayo nang simple at ilagay sa gitna ng ating buhay ang Diyos. Alagaan natin at ingatan ang buhay na ibinigay Niya sa atin.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.