by Kier Gideon Paolo M. Gapayao October 5, 2019 LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - Tumanggap kamakailan ng Plaque of Recognition ang Antipolo C...
October 5, 2019
LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal - Tumanggap kamakailan ng Plaque of Recognition ang Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Council (ACDRRMC) para sa best practices sa larangan ng risk reduction at disaster resilience sa 21st Regional Gawad Kalasag Award na ginanap sa Santa Rosa City, Laguna.
Sinabi ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares, sa panahon ngayon ay hindi natin natitiyak kung kailan tatama ang sakuna. Dagdag niya, ‘di lamang pangarap kundi misyon ng pamahalaang lungsod na masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan.
Patuloy umano ang pagpapaigting ng lokal na pamahalaan sa mga programa nito upang ‘di lamang mas mapaunlad ang kakayahan ng mga kawani kundi pati na rin ang mga serbisyong pampubliko sa panahon ng kalamidad.
The 5th Cavite Travel Fair formally opened on Thursday at Robinson's Place-General Trias activity center to promote primarily both the traditional and new tourism destinations and holiday escapades in the province.
Ayon pa sa kanya, ng naturang parangal ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya, departamento, at pribadong sektor para masigurong ligtas ang mga residente sa anumang sakuna.
Tampok sa best practices ng pamahalaang lokal ang paggawa ng Evacuation Center at Command Center sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Kabilang rin dito ang paggamit ng Abizo App. at Early Warning Device tulad ng rain gauges gayundin ang non-stop campaign laban sa mga iligal na imprastraktura sa mga disaster prone areas.
Higit pa sa risk reduction, bahagi rin ng award-winning practices ng ACDRRMC ang Prevention and Mitigation Programs tulad ng tree planting activities at tuloy-tuloy na information drive at trainings sa mga komunidad.
Noong nakaraang taon, nakamit rin ng Antipolo City ang 3rd place sa annual Regional Gawad Kalasag Award. (PIA-Rizal may ulat mula kay P. Cabasbas, ANTIPOLO PIO)
No comments