Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Asukal mula sa katas ng niyog, mataas ang quality

by Lolitz Estrellado October 26, 2019 Dating Agriculture Secretary Proceso J. Alcala  LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mataas ang kalidad ...

by Lolitz Estrellado
October 26, 2019

Dating Agriculture Secretary Proceso J. Alcala 



LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mataas ang kalidad ng asukal mula sa katas ng niyog o coconut sap, kaya itinuturing na itong bagong “superstar product na iniluluwas sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ni dating Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa isang ekslusibong panayam dito kamakailan.

Ipinaliwanag ni Alcala na may export quality ang asukal na gawa mula sa katas ng niyog, healthy ito at mababa ang glycemic index nito kaya ligtas na pampatamis sa pagkain o inumin at makabubuti sa mga may sakit na diabetes.

Ayon sa dating kalihim, may isang bilyong dolyar ang global market ng cocont sap industry at kasalukuyang nangunguna sa mga bansang Indonesia, Thailand at Pilipinas.

Lumalakas umano ang demand nito o pangangailangan sa supply sa Amerika, Gitnang Silangan, Europa, Australia at New Zealand kung kaya nanawagan si Alcala sa pamahalaang Duterte na pagtuunan sana ng pansin at pag-ibayuhin pa ang industriya ng pagawa ng asukal mula sa katas ng niyog.

“Palakasin at paunlarin sana ito ng gobyerno. Ang Department of Agriculture, at sa pakikipagtulungan na rin ng Philippine Coconut Authority,” ayon pa sa dating kalihim na hindi pinalad noong May 13, 2019 polls nang muling kumandidato ito sa pagka-kinatawan ng ikalawang distrito ng Quezon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Binigyang-diin pa ni Alcala na hindi dapat sa tubo lamang umasa ng produktong asukal para naman magkaroon ng alternatibong source at maiwasan ang pagtaas ng presyo nito sa pamilihan lalo na ngayong nalalapit na naman ang panahon ng Kapaskuhan.

Sa kasalukuyan umano, mayroon pa lamang 36 producers ng coconut sa sugar na karamihan ay matatagpuan sa Mindanao.

Sa kabilang dako, may mga konsumedores na nagpahayag na sana ay hindi lamang para sa pag luluwas sa ibang bansa gawin ang asukal mula sa katas ng niyog, kundi para rin sa lokal na pamilihan.

Ayon sa kanila, patuloy na tumataas ang presyo ng asukal mula sa tubo bunsod ng sinasabing pagtaas ng demand ngayong nalalapit na naman ang panahon ng kapaskuhan, at bagaman at sapat pa rin umano ang supply nito sa mga pamilihan, maaari umanong bumaba ang presyo nito kung magkakaroon ng kumpetisyos.

Pabigat umano sa mga konsumedores ang mataas na presyo ng asukal sa gitna ng dagdag pasahe sa mga jeep na ngayon ay 9 pesos na ang minimun, taas presyo sa kuryente, taas presyo sa gasolina linggo-linggo at sa posibilidad na taas presyo ng iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Ayon pa sa kanila, hindi na makayanan ang linggo-linggong taas-presyo, sapagkat wala namang ibinibigay na taas-suweldo sa mga obrero at karaniwang manggagawa na siyang lubhang apektado nito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.