Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong walking shed para sa paaralan ng Lungsod ng Lucena

October 19, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pormal nang binuksan sa publiko ang 462 meters na walkshed para sa mga mag-aaral ng Southern ...

October 19, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pormal nang binuksan sa publiko ang 462 meters na walkshed para sa mga mag-aaral ng Southern Luzon State University Lucena Campus (SLSU) sa pangunguna ni 2nd District Representative David C. Suarez kasama sina Mayor Dondon Alcala, mga Konsehal ng Lungsod ng Lucena, Bokal Yna Liwanag, Bokal Romano Talaga at Bokal Beth Sio, mga mag-aaral, mga guro at magulang nitong nakaraang Lunes, ika-15 ng Oktober.

Ang nasabing proyekto ay pakikinabangan ng mga mag-aaral buhat sa Lucena City National High School (LCNHS) at SLSU Lucena.

Ayon kay Congressman Suarez, layunin ng proyekto na panatilihin ang kaligtasan ng mga motorista at mga mag-aaral.

``Itong ginagawa nating covered pathway ay isang testament. Naniniwala ako na umpisa pa lamang ito, wala pa ito sa mas magagandang proyekto na matatanggap natin dito sa Lungsod ng Lucena.´´ ayon kay Cong. Suarez.

Lubos naman ang pasasalamat ni Lucena City Mayor Dondon Alcala sa pagkakaloob ng nasabing proyekto na siyang higit na pakikinabangan ng mga estudyante.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Nagpahayag naman ng pakikiisa at suporta si SLSU Director Fredirick Villa para sa anumang gawain at proyekto ng pamahalaan para sa ikakaunlad ng lalawigan ng Quezon. Nagparating rin ng mensahe ang kinatawan ng LCNH na si Fermela Calvario.

``Hindi lang ito para sa amin, kundi kasama ang mga katabing lugar at alam ko na hindi lang dito natatapos ang pagtulong niyo sa amin lalo na sa program ng edukasyon´´,saad ni Calvario.

Bilang panghuli, ang pagkakaroon ng pagkakaisa at matibay na samahan ang ipinahatid ni Cong. Suarez para sa panpapa-unlad ng lungsod.

´´I’m very excited about project that we will implement here together with the City Government of Lucena. Tunay po na maganda ang kinabukasan ng lungsod dahil finally we’re setting aside politics and looking forward towards development. Mas maganda kung sama-sama tayong nagtutulungan, ipapakita namin kung ano ang magagawa ng Bagong Lucena na may Serbisyong Suarez pa para sa Lungsod ng Lucena´´, pagtatapos ni Cong. Suarez. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.