by Mamerta De Castro October 26, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Inilatag ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offi...
October 26, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Inilatag ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kanilang mga programa sa isinagawang joint meeting ng (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Provincial Peace and Order Council (PPOC)sa Provincial Auditorium Capitol Compound sa lungsod na ito noong ika-9 ng Oktubre.
Sinabi ni Joselito Castro, PDRRMO Department Head, na ang proposed utilization ng Local Disaster Risk Reduction Management Fund sa taong 2020 ay binubuo ng 5% ng kabuuang budget o P200,537,602 ay gagamitin para sa mga programang may kaugnayan sa paghahanda, pangangalaga at mitigasyon batay sa hydrometeorological hazards o panganib na dala ng pagbaha o malakas na bagyo.
Bukod pa dito, pinaghahandaan din ang mga kasalukuyang sakit na nauuso tulad ng polio, meningococcemia, dengue at African Swine Fever na malaki ang epekto hindi lamang sa mga tao kundi maging sa mga alagang hayop sa lalawigan.
Ayon pa kay Castro, patuloy ang pagbibigay ng pagsasanay para masukat ang kakayahan ng mga miyembro ng kanilang departamento sa pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad. Kaagapay nila dito ang iba’t-ibang lungsod at bayan sa buong lalawigan ng Batangas.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Ibinalita din niya na ang lalawigan ng Batangas ay bahagi ng ASEAN Games kung saan ang paligsahan sa sports na Polo ay magaganap sa Calatagan habang ang mga manlalaro nito ay mananatili sa Nasugbu. Kaugnay nito, nagbalangkas ang PDRRMO katuwang ang mga local DRRMO’s ng nabanggit na mga bayan ng mga pamamaraan upang magbigay ng ayuda sa mga kalahok sa Polo.
Binanggit din ni Castro na dahilan sa malawakang pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa disaster preparedness, tinanghal na Regional Winner sa Gawad Kalasag ang lalawigan ng Batangas.
Hinikayat pa nito ang mga dumalo sa pagpupulong na patuloy na isulong ang mga programang makakatulong sa disaster management upang maging handa sakaling masubok ng kalamidad ang probinsiya.
Samantala, isinulong ng Department of Interior and Local Government-Batangas ang reorganisasyon ng mga miyembro ng Provincial Peace and Order Council kaugnay ng pagkakaroon ng mga bagong halal na opisyal noong Mayo 2019.
Isang resolusyon din ang ipinanukala upang isama ang Citizens Crime Watch bilang isa sa mga lehitimong civil society organizations (CSO) sa lalawigan.
Isinulong din ang pagbuo ng Batangas Task Force to End Local Communists Armed Conflict (BTF-ELCAC) na may 12 clusters na pinamumunuan ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments