by Lyndon Gonzales October 19, 2019 Pinangunahan ni Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling, ang State of the Barangay Address (SOBA) sa Brgy. Ma...
by Lyndon Gonzales
October 19, 2019
Pinangunahan ni Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling, ang State of the Barangay Address (SOBA) sa Brgy. Masalukot Uno, Candelaria, Quezon. |
CANDELARIA, QUEZON- “Ang mga bagong pagtitibaying ordinansa sa barangay gaya ng misyon ng mga namumuno ay ang makapagkaloob ng tapat at tunay na paglilingkod sa bawat mamayan, magbigay ng lantad at bukas na pamamahala para sa kaalaman at kagalingan ng lahat.” Ito ang sinabi ni Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling, Panlalawigang Pederasyon Liga ng Barangay (PPLB) President at Ex. Officio Board Member sa kaniyang SOBA 2019.
Malugod na sinabi ni Boongaling na kabilang ang Masalukot Uno na nabigyan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa buong lalawigan. Nagpapatunay lamang ito na ang mga proyekto ng barangay ay katibayan na ang naumumuno ay isang mabuting tagapaglingkod.
Nagpapasalamat siya kay Cong. David “Jay Jay” Suarez sa ipinagkaloob na Brgy. Hall Compound para sa mga Senior Citizen dahil hindi na maiinitan o mababasa ang ating mga nakatatanda sa tuwing may gaganaping pagpupulong. Ipinahayag din niya na ang Villa Macaria Covered Court na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay on-going ang construction.
“Napagkalooban din po ang ating Barangay ng Pag-asa Shelter na handog ng National Government sa tulong ni Mayor Macky Boongaling. Ang shelter na ito ay proyekto na kukupkop para sa mga batang inabuso at upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.”
“Isa sa pangunahing proyekto ng ating barangay ang Farm to Market Road (MRF) sa bahagi ng St. Anthony Subd. Ang salaping gugugulin sa proyektong ito ay magmumula sa 20 % Development Fund. Ang pagbili ng lote na paglalagakan ng mga basura , segragration facilities, at pagbili ng truck ng basura ay ating isasakatuparan,” dagdag niya.
Nagpasalamat din siya Home Owners Association sa pakikipagtulungan sa Clean-Up Drive ng barangay. Malugod din niyang ibinalita ang pagkakaloob ng titulo ng lupa sa Home Owners ng Sitio Taraga.
Hindi sapat ang pasasalamat upang suklian ang patuloy na ibinibigay na pagkakataon sa kaniya ng nasasakupan upang makapaglingko ng tapat at bukal sa kalooban.
Hinikayat din niya ang mga mamamayan na makiisa, makipagtulungan, at magkapit-bisig sa programa ng barangay upang matiyak ang patuloy na kaunlaran, masaya at mapayapang Masalukot Uno.
No comments