October 5, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa bawat free throw mo, ilang libong yamang karagatan at yamang lupa ang naililigtas mo. Ika...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa bawat free throw mo, ilang libong yamang karagatan at yamang lupa ang naililigtas mo.
Ika nga- nakapag enjoy ka na, nakatulong ka pa upang mabawasan ang mapaminsalang basura na mula sa mga komunidad.
Mistulang isang basketball ring na nakaangkla sa isang metallic basket ang itsura ng mga basurahang ipinagkaloob ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Mayao Crossing sa kanilang pamayanan.
Tinawag ang naturang kagamitan na “Free throw plastic bottle bins” dahilan nga sa istraktura nito.
Matapos ang pagsusulong ng naturang Adopt A School Project ng sangguniang kabataan, buong pagmamalaki iprinesenta ang mga bins sa ginanap na flag raising ceremong ng pamunuang barangay.
At agad namang ipinagkaloob sa tatlong paaralan sa barangay kabilang ang Mayao Crossing Elem School sa pamumuno ng school principal nito na si Ma. Concepcion Bobadilla, LCNHS - MayaoCrossing Extension sa pangunguna ni teacher-in-charge Dr Lorelie Jasul at Bliss Elem School kasama ang punong guro nito na si Ginalyn Lat.
Malugod naman itong tinanggap ng mga nasabing personalidad kasama ang ilang Supreme Student Government, YES-O at ABKD High School Based Officers
Ang naturang programa ay naglalayong mamulat ang mga kabataan sa wastong kaalaman tungkol sa tamang segregasyon ng Basura.
Gayundin ay maging katuwang sila ng lokal na pamahalaan, Tanggol Kalikasan, Department of Environment and Natural Resources at iba pang ahensya pagdating sa pangangalaga sa kalikasan.
Ang istraktura naman ng mga plastic bottle bins ay makakatulong upang mas maengganyo ang mga mamamayan lalo’t higit ang mga kabataan na magtapon ng basura sa tamang lugar. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments