October 12, 2019 Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala (pangalawa sa kaliwa) at Socialized Housing Finance Corporation (SHFC) Pres...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sadyang hindi na mapipigilan pa ang patuloy na pagdagsa ng mga programa at proyekto sa lungsod ng Bagong Lucena.
At isa na nga dito ay ang isinagawang groundbreaking ceremony ng 5 units, 3 storey building sa bahagi ng Brgy. Marketview.
Naging panauhing pandangal sa naturang aktibidad na ito ang presidente ng Social Housing Finance Corporation o SHFC na si Atty. Arnulfo Ricardo Cabling.
Present rin dito sina Vice Mayor Philip Castillo, Councilors Anacleto Alcala III, Benito “Baste” Brizuela Jr., Nicanor “Manong Nick” Pedro, SK Federation President Patrick Norman Nadera, Engr. Danny Faller, at Engr. Nilo Villapando.
Gayundin ang mga kinatawan ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na sina Commissioner Atty. Melzar Galicia at Executive Assistant Julius Enciso.
Sa naging takbo ng programa dito, nagbigay ng mensahe si Mayor DOndon Alcala lubos na pinasalamatan nito ang pamunuaan ng SHFC lalo’t higit ang presidente nito na si Atty. Cabling dahilan sa proyektong ipinagkaloob nito para sa lungsod ng Bagong Lucena.
Ayon pa kay Mayor Alcala, aabot sa tinatayang 625 mga pamilya na nagmula sa mga tabing ilog, mga pinaalis sa tinitirikang lupa ng iba at marami pang iba ang makikinabang sa itatayong tenement na nabanggit.
Aniya, mayroong limang tenement buildings na itatayo dito at ng bawat buildings ay may tatlong palapag, at mayroon namang 125 units sa bawat building na may sukat na 33 square meters ang bawat unit.
Aniya ay nagsimula lamang ito sa isang mataas na pangarap na nais niyang ito para sa mga Lucenahin ay nakikita na niya ang katotohanan ng pinapangarap niyang ito.
Lubos ring pinasalamatan ni Mayor Dondon Alcala si Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga tauhan mula sa HLURB, sa lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito parasa mamamayan ng Lucena.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay sunod namang nagbigay ng kaniyang pananalita ang presidente ng SHFC na si Atty. Arnulfo Ricardo Cabling na kung saan ay kaniyang binigyang papuri ang lahat ng mga opisyales ng local na pamahalaan ng lungsod ng Lucena lalo’t higit si Mayor Dondon Alcala.
Aniya, isang napakagandang programa ito ng alkalde para sa mga mamamayan ng lungsod lalo’t higit sa mga maralitang Lucenahin dahilan sa magkakaroon na nang sariling tahanan ang mga ito sa murang halaga lamang.
Sa huli ay nagbigay tagubilin ang panauhing pandangal sa lahat ng mga benipisyaryo nito na pangalaan ang kanilang tahanan at ang kanilang building upang sa ganun ay tumagal pa ito hanggang sa abutin pa ng kanilang mga anak at apo.
Ang naturang programang ito na murang pabahay ni Mayor Dondon Alcala para sa ilang mga Lucenahin ay nalalapit nang maisakatuparan dahilan na rin sa pagnanais nito na ang bawat maralitang Lucenahin ay mapagkalooban ng sariling tahanan lalo’t higit ang mga naninirahan sa tabing ilog at ang mga pinaalis sa mga pribadong lupa na kanilang tinitirikan.
No comments