Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ikatlong PPP Regional Orientation Workshop, isinagawa sa Batangas

by Mamerta De Castro October 19, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Isinagawa ng Public Private Partnership Center ang Regional Orientation Worksh...

by Mamerta De Castro
October 19, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Isinagawa ng Public Private Partnership Center ang Regional Orientation Workshop on Joint Venture sa NDN Grand Hotel sa lungsod ng Sto. Tomas kamakailan.

Ang joint venture workshops ay bahagi ng pagpapatupad ng PPP Center ng Local PPP Strategy na isang pamamaraan upang hikayatin ang iba’t-ibang local implementing agencies na isulong ang proyektong pang-imprastraktura sa pamamagitan ng public-private partnerships.

Isang ahensya na sangay ng National Economic Development Authority (NEDA), ang PPP Center ay siyang namamahala sa mga Public-Private Partnership program at PPP projects sa buong bansa.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang naturang ahensya din ang nagbibigay ng technical assistance sa lahat ng pamahalaang nasyunal, Government-Owned and Controlled Corporations(GOCC’s), Government Financial Institutions (GFI’s), lokal na pamahalaan at State Universities and colleges (SUC’s) upang makabuo at makapagpatupad ng critical infrastructure at iba pang development projects sa pamamagitan ng PPP.

Walong lokal na pamahalaan ang nakibahagi sa orientation workshop kabilang ang City of Sto. Tomas, Bauan, at Batangas City, Infanta Quezon, Calamba City Laguna, Naga City, Boac Marinduque at Provincial Government of Oriental Mindoro.

Sinabi ni Dir. Feroisa Francisca Concordia, pinuno ng PPP Center Capacity Building and Knowledge Management Service, ang mga proyektong kailangang piliin para sa PPP ay yaong may potensyal na kumita tulad ng transport terminal or water district kung saan maaaring magkaroon ng maraming locators na makakapaghikayat ng maraming tao na tatangkilik dito.

“Kapag nagkaroon ng joint venture ang isang pribadong kumpanya at isang sangay ng pamahalaan, ano mang proyekto ang kanilang itayo ay pareho nilang mararamdaman ang epekto nito maganda man o hindi ang kinalabasan,” ani Concordia.

Ilan sa mga pagsasanay na ibinigay sa mga lumahok dito ang Introduction ng Philippine PPP Program; Joint Venture Arrangement Concepts; Solicited and Unsolicited Processes under Joint Venture; Guiding Principles in the Development of LGU PPP Codes; best Practices in LGU Joint ventures at Workshop on Unsolicited JV proposals. (BHABY P. DE CASTRO-PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.