Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ipagdiwang Ang Kilusang Kooperatiba

Editoryal October 12, 2019 Ang buwan ng Oktubre ay tinaguriang "Cooperative Month". Ang pamahalaan, sa pangunguna ng Coo...

Editoryal
October 12, 2019




Ang buwan ng Oktubre ay tinaguriang "Cooperative Month".

Ang pamahalaan, sa pangunguna ng Cooperative Development Authority (CDA) ay nagsasagawa ng 1 iba't ibang aktibidades at mga programa bilang 1 pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba.

Ano ba itong tinatawag na kooperatiba? Ito ay isang samahan na binuo sa komunidad upang magkaloob ng iba't ibang serbisyo sa mga kasapi, upang matulungan ang mga ito na makaahon sa ! kahirapan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng I kasanayan sa mga gawaing mapagkakakitaan; pagItuturo kung paano humawak, gumasta at mag-impok I ng salapi sa tamang paraan; pagtuturo kung paano Imaging isang responsableng mangungutang; at I maipakalat o ma-promote ang kahalagahan ng 1 pagkakaisa at pagtutulungan.

Iba't iba ang uri ng kooperatiba, mayroong, multi-purpose, may electric cooperatives, at iba pa, subalit lahat ay iisa ang layunin-makatulong sa mga kasapi at sa komunidad na umunlad.

Sa kasalukuyan ay problema ng milyon-milyong Pinoy ang patuloy na pagsirit pataas sa presyo ng lahat ng mga pangunahing pangangailangan-tubig, kuryente, basic goods, serbisyo ng propesyunal, at lahat na.

Unang iniaangal ng lahat ay ang halaga ng elektrisidad na hindi makontrol ang pagtaas.

Pero, alam ba ninyo na halos milyon ang I nagtatamasa rin ng mababang presyo ng kuryente I dahil shalay Wasapi ng kooperatiba?

Sa Batangas, mayroong Batangas Electric I Cooperative at maging sa iba pang lalawigan. Mas mababa ang singil ng mga ito kaysa sa presyo ng Manila Electric Co. o MERALCO.

Ang ibang kooperatiba, may groserya o tindahan kung saan ang mga kasapi ay makakabili ng basic goods tulad ng bigas, asukal, sa murang halaga lamang. Dito ay nakakautang din ang mga kasapi (goods o pera) sa mababang interest rate lamang.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang dahilan? Sa kooperatiba, ang mga kasapi o kunsumedores ay kasosyo sa negosyo na sila rin ang nagpapatakbo.

May batas sa Kooperatibismo, at isa sa mga isinasaad dito ay ang pagkakaloob sa mga koopratibo ng Certificate Tax Exemption mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Lahat ng tax exemptions na tinatamasa ng mga kooperatibang nakarehistro sa Cooperative Development Authority ay ipinapasa sa mga kasaping konsumedores sa pamamagitan ng mababang presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Napakaganda ng konsepto at layunin ng kooperatiba. Ang kailangan lamang ay higit pang 1 palawakin at palakasin ang kilusang kooperatibismo; magtatag nito sa iba pang kalakal upang mapababa ang presyo ng mga bilihin, sapagkat ang tax privilege nga ay naipapasa sa mga konumedores sa i pamamagitan ng bawa-presyo sa iba't ibang kalakal.

Isulong pa ang mga kooperatiba at i-educate o bigyan ng kaalaman ukol dito ang mga mamamayan upang maunawaan nila ang kahalagahan nito sa pagbaka o pakikipaglaban sa kahirapan.

At sa lahat ng mga existing cooperatives sa buong bansa, sana ay lalo kayong tumatag at sana ay dumami pa kayo.

MABUHAY ANG KILUSANG KOOPERATIBISMO!

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.