Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang Quezon Ecological Summit, ginanap sa Quezon

Fr. Budz Maude, Director, Ministry of Ecology, Diocese of Gumaca with his placard during the 1 st Quezon Ecological Summit by Jay Si...

Fr. Budz Maude, Director, Ministry of Ecology,
Diocese of Gumaca with his placard during
the 1st Quezon Ecological Summit
by Jay Silva-Lim
October 12, 2019

Noong ika-5 ng Oktubre 2019 ginanap sa Sentro Pastoral Auditorium, Isabang, Lungsod ng Lucena ang kauna-unahang Quezon Ecological Summit na dinaluhan ng humigit kumulang sa isang libong mamamayan mula sa iba’t-ibang sector. Ang nasabing summit ay may temang “Ugnayan ng Buhay, Ugnayan ng Mamamayan: Quezon, Kalikasan Protektahan!” Inaasahang dadaluhan ito ng mga mamamayan at iba’t- ibang sektor mula sa Lalawigan ng Quezon.

Nagsimula ang summit sa isang misa na pinangunahan ni Most Rev. Mel Rey Uy ang kasalukuyang Obispo ng Diocese ng Lucena. Pinuri ng Obispo ang mga nagsidalo sa nasabing summit at lubos niyang ikinagagalak na may mga mamamayang nagkakaisa at mulat na para maipagtanggol ang Kalikasan.

Matapos ang isang oras na misa ay sinimulan ang presentasyon pagbabahagi ng mga inanyayahang mga piling tagapagsalita mula sa iba’t-bang grupo at samahang aktibong kumakampanya para sa Kalikasan.

Pinaliwanag ni Fr. Warren Puno Director ng Ministry of Ecology, Diocese of Lucena ang kadahilanan kung bakit nagkaroon ng Ecology Summit, ayon kay Fr. Puno taon- taon, tuwing ika-1 ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre ay ipinagdiriwang sa buong mundo ang Panahon ng Sangnilikha o Season of Creations bilang pag- alala sa ating mga tungkulin bilang mga katiwala ng kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos para sa kapakinabangan ng sangkatauhan at mga susunod na henerasyon. Ang nasabing pagdiriwang, ay pinangunahan ng Quezon for the Environment o QUEEN - isang samahang binubuo ng ibat-ibang uri ng sektor at mga mamamayang may malasakit sa kapwa at kalikasan ay buong pagkakaisang nagdeklara paninindigan upang ipagtanggol ang kalikasan at isulong ang kaunlarang iginagalang ang umiiral na batas, dangal at karapatan ng mamamayan.

Unang nagbahagi ng presentasyon hinggil sa Environmental Global Situation si Ginoong Yeb Saño ng Greenpeace, Southeast Asia kung saan nakasentro ang kanyang tinalakay sa mismong kasalukuyang pangdaigdigang kalagayan ng Kalikasan na kung saan ang epekto ay mas nagbibigay ng ibayong pagdurusa sa mga kapos at mga mahihirap na mamamayan katulad ng nangyari sa epekto ng super typhoon Yolanda.

Ayon naman sa presentasyon ni Ginoong Ian Rivera ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) ang kalagayan ng ating Kalikasan nasa krisis na at ang mundo ay nasa Climate Emergency na sa kasalukuyan, ito ay dahil sa patuloy ng pag tangkilik ng ibang mga bansa at ng Pilipinas sa coal at fossil fuels na isa sa pangunahing nakakaambag sa pagtaas ng emisyon ng Greenhouse Gases. Napapanahon na dapat ng pigilan at tutulan ng mga mamamayan ang Coal at isulong ang renewable energy.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ibinahagi rin ni Monsigñor Noel Villareal Parish Priest ng Our Lady of the Angels Parish Church ng Atimonan ang Laudato si’ ang 2nd encyclical ni Pope Francis. Kung saan nakapaloob ang mensahe at panawagan upang pagmalasakitan at alagaan mismo ang ating mundo at Kalikasan dahil itong ating mundo ang ating mismong nagiisang tahanan. Bilang mamamayan at kristyano nararapat nating itakwil ang consumerism at iresponsibleng kaunalaran, at dapat na magkaroon ng pandaigdigang pagkakaisa ang lahat upang matugunan ang pagkasira ng Kalikasan at global warming.

Tinalakay naman ni Atty. Ma. Generosa T. Mislang National Coordinator ng Alternative Law Group o ALG ang paksa hinggil sa Environmental Laws na may kaugnayan sa ating Environmental Rights. Binigyang diin niya na ang karamihan sa ating batas pangkalikasan ay nakatadhana ang aktibong partisipasyon at pagsasaalang-alang ng batas mismo sa kapakanan ng tao at ng mamamayan ganioon din ang kaligtasan ng Kalikasan, ngunit nagiging masalimoot ang implimentasyon ng mga batas dahil na rin sa pagpapabaya at kawalan ng malasakit ng mga tagapagpatupad ng batas sa Kalikasan at sa mga mamamayan.

Matapos ang pagbabahagi ng mga tagapagsalita ay nagkaroon naman ng palihan o workshop upang suriin ang mga isyung pangkalikasan ng lalawiga ng Quezon at sa bawat mga lokal na pamayanan nito o mga bayan at ang resulta ng kasalukayang kalagayan ng Quezon ay isinalarawan ng mga kalahok na sa kasalukuyan, ay dumaranas ng iba’t-ibang problema ang mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon lalo na sa problema sa kawalan o kakulangan ng tubig, pagdumi ng ilog at dagat dahil sa mga taong walang disiplina sa pagtatapon ng mga basura at mga pabrika at establisimentong walang tamang sistema ng pagtatapon ng kanilang mga dumi na nakakamatay ng ilog lalo na sa bayan ng Candelaria at Lungsod ng Lucena.

Idagdag pa ang problema sa pagmimina at quarrying at ang usapin ng pagtatayo ng maanomalyang kaliwa dam na mapanganib para sa mga mamamayan at Kalikasan lalo na ang mga katutubo nating ninuno na nasa lugar na maapektuhan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kaugnay nito, sa kabila ng lumalalang krisis sa klima ay patuloy pa rin ang operasyon ng mga Coal Fired Power Plant sa Mauban at Pagbilao na walang obhektibo at patas na monitoring ng epekto nito mismo sa mga mamamayan at Kalikasan lalo na sa mayaman nating baybayin ng Lamon at Tayabas bay ganon din ang Ragay Gulf na pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mangingisda. Ang malungkot pa ay plano pang dagdagan sa Atimonan, Tagkawayan at iba pang bahagi ng ating lalawigan, habang tinatanggihan naman ng ibang lalawigan tulad ng La Union at Iloilo.

Kung kaya naman batay sa kalagayang ito, nagkaroon ng paninindigan at kahilingan sa kinauukulan lalo na sa Sangguniang Panglalawigan ng Quezon ang QUEEN sa kinauukulan lalo na sa Sangguniang Panglalawigang magtadhana o gumawa ng kongkretong resolusyon at magpadaloy ng prosesong makatao, maka-Diyos at makakalikasan, dahil batid naman po nating ang mga usaping ito ay nakakaapekto sa maraming mga mamamayan na kinakailangan ng lubos na solusyon at pagkilos mula sa mga kinauukulan habang hindi pa kumplikado ang sitwasyon.

Ang detalye ng mga panawagan ng QUEEN ay ang mga sumusunod: 1) Imbistigahan ang Prime water at ang maanomalyang Joint Venture Agreement nito, 2) Paimbistigahan ang mga pabrikang nakakasira sa Kalikasan at kalusugan ng mamamayan lalo na ang JNJ Oleo Chemicals sa Cotta, Lucena City at ang mga pabrika sa Candelara na nakakasira sa Ilog Quiapo at Masin. At sa Dumacaa at Iyam River sa Lucena, 3) Imbistigahan din ang Dam na nagdudulot ng baha sa Panaon, Unisan at, 4) Ipatigil at usisain ang maanomalyang kasunduan sa pagpapatayo ng Kaliwa Daw sa Sierra Madre sa Gen. Nakar, Quezon, 5) Tutulan ang pagpapatayo pa ng mga Coal Fired Power plant at magsagawa ng independent at objective monitoring sa mga existing na planta upang mas makita ang tunay na kalagayan at paglabag nito sa mga batas pangkalikasan, 6) Magsagawa ng panglalawigang plano hinggil sa pagtataguyod ng renewable energy sa ating lalawigan at magkaroon ito ng isang makatotohanang provincial Carbon neutral scenario plan, 7. Magkaroon ng comprehensive assessment ukol sa tamang kalagayan ng quarry at pagmimina sa lalawigan ng Quezon at Bumuo ng monitoring team o magkaroon ng task force kasama ang ibat ibang sektor ng lipunan.

Matapos ang isinagawang palihan o workshop ay inihayin sa kapulungan ang resulta nito bilang Deklarasyon at Paninindigan na agad namang pinagtibay ng buong kapulunangan at nilagdaan ito ng mismong mga dumalong mga kasapi ng QUEEN mula sa iba’t-ibang bayan nga lalawigan ng Quezon.

Ayon naman sa panayam kay Julieta Borlon-Aparicio Area Director ng Tanggol Kalikasan at tumatayong tagapagugnay ng secretariat ng QUEEN, nanawagan ang QUEEN, lalo na sa mga taga lalawigan ng Quezon, na tayo’y patuloy na maninindigan para sa prinsipyado at mapayapang pagkilos na may pag galang at respeto sa batas at karapatang pantao. At gayundin naman ang panawagan sa lahat na magkaisa para sa kinabukasan ng sambayanan at ipagtanggol ang kalikasan!

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.