October 5, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kagustuhang mas maibaba ang serbisyong ipinagkakaloob ng home development mutual fund o HDMF...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa kagustuhang mas maibaba ang serbisyong ipinagkakaloob ng home development mutual fund o HDMF sa mga mamamayan, nakatakdang ilunsad ng nabanggit na ahensya ang kanilang “lingkod pag-ibig on wheels”.
Itatayo ito sa Lucena City Public Market sa darating na Lunes, ika-pito sa buwan ng Oktubre, simula alas ocho ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Laman ng lingkod pag-ibig on wheels ang iba’t ibang serbisyo tulad ng pagpaparehistro ng mga nagnanais na maging miyembro, pagbeberipika ng kanilang mga records at general information and assistance.
Sa naging pahayag ni Jillian Marie Rallama, Marketting staff ng nabanggit na tanggapan, para umano sa sinumang nagnanais na magpamiyembro sa Pag-ibig, kinakailangan lamang magdala ng fully accomplished information sheet o member’s data form at dalawang valid ID para sa individual payor habang MDR Form din at dalawang valid ID para sa mga self-employed at dokumentong magpapatunay nang pinagkakakitaan tulad ng DTI Business Permit o income tax return.
Bukod naman sa mga nabanggit na serbisyo, maaari ring tumanggap ang lingkod pag-ibig on wheels ng mga mag-aapply ng short term loan applications.
Kaugnay nito, hinihikayat ng naturang ahensya ang pakikiisa at pagsuporta ng mga Lucenahin sa kanilang aktibidad.
Sa tulong din kasi nito ay mas magiging malaki ang kaalwanan ng pag-aabyad ng mga constituents at di na makikipagsiksikan pa sa mismong opisina ng Pag-Ibig sa bahagi ng Grand Central Terminal. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments