October 19, 2019 Bilang pakikiisa ng pamahalaang panlungsod ng Lucena sa pagseselebra ng National Cooperative month ngayong buwan ng Oktub...
Bilang pakikiisa ng pamahalaang panlungsod ng Lucena sa pagseselebra ng National Cooperative month ngayong buwan ng Oktubre, isinagawa kamakailan ang isang cooperative forum.
Ginanap ang naturang aktibidad sa SM City Lucena, sa inisyatibo na rin ng City Cooperative Division sa pamamahala ng head nito na si Nimfa Arias.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa lungsod kasama ang lahat ng bumubuo ng Lucena City Cooperative Development Council o LCCDC.
Upang pasimulan naman ang programa, pinangunahan ni LCCDC auditor, Josephine Samonte ang panalangin na sinundan naman ng pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas, himno ng lungsod at ang panunumpa ng mga miyembro ng kooperatiba.
Pormal namang binuksan ni Arias ang programa sa pamamagitan ng pag-wewelcome sa mga delegates at mga panauhing nakiisa.
Bilang representante naman ng punong lungsod na si Honorable Roderick “Dondon” Alcala, ipinaabot ni Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traqueña ang mensahe nito para sa sektor ng kooperatiba.
Gayundin ay nagpahayag ng mensahe ang chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Cooperatives na si Konsehala Atty. Sunshine Abcede-Llaga at ang Vice-chairman ng LCCDC na si Melanie Fontarum ng St. Jude Multipurpose Cooperative.
Matapos ang lahat ng paglalahad ng mensahe, ganap nang inumpisahan ang cooperative forum sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ng ilang panauhing pandagal.
Kabilang dito sina Elvira Ramos mula sa Cooperative Development Authority Region IV, Lanie Constantino ng Department of Trade and Industry Quezon at Girlie De Ramos ng TESDA Quezon.
Nagkaroon din ng serye ng pagtatanong ang ilang mga partisipante na kung saan ay mas nalaman nila ang mga programa pang makatutulong sa pagpapaunlad ng kooperatiba sa lungsod.
Para naman sa mga kooperatibang mayroong mga concern, naglagay ang Cooperative Division ng ilang mesa para sa DTI, Business Permit and Licensing Office at Philippine Institute of Certified Public Accountants.
Ang idinaos na aktibidad ay ilan lamang sa mga inihanay na Gawain ng Cooperative Division kaisa ang lokal na pamahalaan para sa mga mamamayang nasa ilalim ng sektor ng kooperatiba. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments