by Lolitz Estrellado October 26, 2019 MALVAR, Batangas - Ngayong buwan ng Oktubre at National Statistic Month o Civil Registrati...
October 26, 2019
MALVAR, Batangas - Ngayong buwan ng Oktubre at National Statistic Month o Civil Registration month at patuloy ang kampanya ng Malvar Local Civil Registry (LCR) office upang maipabatid at maipaunawa ng pagpapatalang.
Ito ang napag-alaman kay Malvar Municipal Registrar (MCR) Amando L. Tosino sa isang ekslusibong panayam dito noong Huwebes.
Sinabi nito na kailangan ang tuloy-tuloy, palagian at pangkalahatang pagpapatala sa nakalaang Civil Registrar ng lahat ng nangyayaring panganganak, kasal o kamatayan at lahat ng mga batas na nauukol sa katayuan o estado sibil ng isang tao ayon sa itinakda ng Aklat Blg. 3753 o Civil Registry Law.
Binigyang-diin ni Tosino na alinsunod sa batas, ang mga dokumento sa pagpapatala ay siyang magpapatunay at magpapatutuo ng kapanganakan, kasal o kamatayan ng isang tao at ang mga impormasyong nakatala dito ay lubhang mahalaga sa mga legal o personal na transakyon, paglalakbay sa ibang bansa, pagkuha ng pasaporte, sa pag-aaral sa pagkuha ng benepisyo sa paseguruhan at iba pa.
Ayon pa kay Tosino, kailangang ipatala o iparehistro sa Lokal na Tanggapan ng Tagatalang Sibil ang bawat isang kapanganakan, Kamatayan, o kasal sa loob ng Tatlumpong (30) araw matapos at hindi na dapat patagalin pa.
Ipinagmamalaki ng mabait at masipag na MCR ng Malvar na dito sa kanilang bayan ay maayos ang Talang sibil sapagkat mulat ang kamalayan ng mga tao sa kahalagahan ng pagpaparehistro. Ito ay dahilan sa masigasig ang kanilang information campaign o pagbibigay ng wastong kaalaman ukol sa bagay na ito. Regular umano silang nagtutuungo sa ibat ibang barangay upang ipaunawa sa lahat ang kahalagahan ng pagpapatalang sibil, na ito ay karapatan ng bawat tao sa pagkakaroon ng pangalan at nasyunalidad.
No comments