Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CITY ARICULTURIST MELISA LETARGO, NILINAW NA LIGTAS ANG PAGKAIN NG KARNENG BABOY PARA SA MGA TAO; HOG RAISERS, IWASAN NA ANG PAGPAPAKAIN NG KANING BABOY

October 5, 2019 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Taliwas sa lumalaking pangamba ng publiko hinggil sa african swine fever na naging dahilan ng...

October 5, 2019

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Taliwas sa lumalaking pangamba ng publiko hinggil sa african swine fever na naging dahilan ng pagkamatay ng libu-libong baboy sa iba’t ibang panig ng bansa, nanindigan si city agriculturist melisa letargo na hindi nakapipinsala sa kalusugan ng tao ang pagkain ng karneng baboy.

Bagaman walang kaso ng asf sa lungsod, aminado si letargo na dumadaing na rin ang sektor ng hog raisers gayon rin ang mga maninindahan na siyang direktang naapektuhan ng isyu hinggil sa naturang virus.

Dahil dito, nais ni letargo na bigyang paalala ang publiko na ang asf ay isang contagious viral disease na nakaaaapekto lamang sa mga baboy at hindi sa tao.

Gayonpaman, ipinababatid rin nito na posibleng maisalin ng tao sa baboy ang virus kapag nakakain o nakahawak ito ng kontaminadong karne.

Dahil dito, inabisuhan ni letargo ang mga hog raiser sa lungsod na iwasan na ang pagpapakain ng kaning baboy o lino sa kanilang mga alaga.

Bukod kasi sa mataas na infection rate at kakulangan sa lunas, may kakayahan rin umano ang virus na mabuhay kahit na ilang beses nang naiproseso ang contaminated na karne.

Gaya ng kung paano naging mabilis ang pagkalat ng virus sa iba’t- ibang panig ng mundo, dahil sa pag-iimport ng mga kontaminadong karne sa loob ng bansa, ang virus ay may kakayahan na mabilis na kumakalat sa iba’t- ibang lugar sa pilipinas.

Matatandaan na ipina-recall ng food and drug administration ang ilang brands ng mga processed meat pork products matapos na magpositibo sa asf.

Karamihan kasi sa mga produktong ito ay galing sa mga bansa na pinagbabawalan ng da na pag-angkatan ng pork at pork-based products dahil sa posibilidad na maging kontaminado ng virus.

Ang asf ay maaaring mabuhay sa katawan nang ilang araw bago makita ang anumang karaniwang sintomas sa mga alagang baboy.

Kabilang sa mga sintomas ng impeksiyon nito ay ang pagkawala ng gana sa pagkain, panghihina, mataas na lagnat, pamumula ng balat sanhi ng matinding pandurugo, at pagkamatay ng mga alagang baboy sa loob ng dalawa hanggang sampung araw. (pio lucena/c.Zapanta)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.