Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mocha Uson, malakas ka talaga!

Editorial October 5, 2019 Ayon sa mga naglabasang ulat, 67 porsiyento ng sambayanang Pinoy ay ayaw sa Federalism o pederalismo batay sa...

Editorial
October 5, 2019



Ayon sa mga naglabasang ulat, 67 porsiyento ng sambayanang Pinoy ay ayaw sa Federalism o pederalismo batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Bokya! Ayaw!

Hindi naman nakakapagtaka iyan. At mas kapani-paniwala iyang balita, kesa sa kung ang inilabas ay pabor di yan ang mga Pilipino.

Ang dahilan, hindi alam at hindi lubos na nauunawan ng mayoriya o higit na nakakaraming Pinoy kung ano iyang pederalismo. Paano nga nila tatanggapin ang isang bagay na hindi nila alam kung ano ito?

Iba na ngayon ang mga ordinaryong Pinoy, matatalino na, hindi na basta maloloko o napapaniwala. Nadala na.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang sabi ng gobyernong Duterte, paspasan na nila ang isasagawang information campaign para ipaunawa sa mga tao kung ano ang pederalismo at anu-ano ang kabutihang maidudulot ng ganitong porma ng pamahalaan.

Subalit hanggang sa ngayon, Oktubre na at limang (5) buwan na ang nakakalipas matapos ang eleksyon 2019, hindi pa rin nakaabot sa mga rural areas at laylayan ang kanilang mga pinagsasabi.

May ilang natuwa, pero mas marami ang nairita sa “pepe” at “dede” ni Mocha Uson na ilang araw lang ang nakakalipas ay itinalagang bagong OWWA Deputy Administrator, nito ng Setyembre 26, 2019 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Lakas talaga!)

Marami ang umaangal sa pagtalaga bilang Deputy Administrator ng OWWA ni Pangulong Duterte si Uson kahit na ipinagbabawal ito ng Article IX Section 6 ng 1987 Constitution. Bakit raw nagmamadali? Hindi raw ba isang malaking joke itong nangyayari?

Anong qualification at credibility raw ba, mayroon si Uson. Sa kabilang banda pondo ng gobyerno ang pangpasahod sa kanya at pera na galing sa taong bayan. Ano raw ba at bakit kaya nasa gobyerno pa rin si Uson? May pa-Masteral at Phd pang nalalaman ang mga teachers para mataasan ang sweldo pero si Uson, susweldo ng 150k monthly ng wala man lang kahirap hirap!

Sigaw ng taong bayan: Hoy, MOCHA USON! Yung sahod mo galing sa tax namin! Ayusin mo trabaho mo!

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.