by Lyndon Gonzales October 12, 2019 Kapitan Hon.Ireneo”Boyong”Boongaling PPLB President LIGA ng Barangay Quezon Chapter kasama ang mg...
by Lyndon Gonzales
October 12, 2019
CANDELARIA, Quezon - Pinagunahan ni PPLB President Ex.Officio Board Member Hon.Ireneo “Boyong” Boongaling, ang State of the Barangay Address (SOBA) sa Barangay Masalukot Uno, ang pag uulat sa barangay ng mga natapos na proyekto, pinansyal, mga plano at mga programa para taong 2019.
Sa kanyang SOBA sabi niya na ang mga bagong pagtitibaying ordinansa sa brgy gaya ng misyon ng mga namumuno ay ang makapagkaloob ng tapat tunay na paglilingkod sa bawat mamayan at magbigay ng lantad na bukas na pamamahala para sa kaalaman, kagalingan ng lahat.
Aniya ang bawat barangay sa buong Pilipinas ay inaatasan magsagawa ng ulat sa mga kasama, ng dalawang beses sa loob ng isang taon sa mga buwan ng Marso at Oktubre upang maalaman at maibahagi natin ang aming mga natapos na mga proyekto.
Aniya ang adhikain para sa barangay sa loob ng pitong taon bilang ama ng barangay (Masalukot Uno) sa loob ng isang taon at bilang pangulo ng Liga Ng Barangay Ex.Officio Board Member ng lalawigan ng Quezon. Kinabibilangan 1,242 barangay sa 40 bayan sa buong lalawigan Ng Quezon. Ang parati aniya niyang sinisikap ang maging isang mabuting lingkod ng barangay o lingkod bayan sa lalawigan.
Ang pasasalamat din niya na hindi sasapat para suklian ang patuloy na ibinibigay, pagkakataon upang mapaglingkuran ang kanyang mga nasasakupan. Makakasama raw ang kanyang nasasakupan na ibabalik niya ang tapat at totoong paglilingkod.
Simula nuon una hanggang sa kinatatayuan ng ating barangay ngayon ay siya kung ginagawang katibayan na ako nagiging isang mabuting tagapaglingkod, ito ang pagpapatayo ng mga natapos na gusali o improvement of barangay outpost upang may opisina ang brgy tanod, gusali ng lupong tagapamayapa, kasama po tayo buong lalawigan, top ten sa binigyan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) nagpapasamat po ako sa lahat Ng staff ng Barangay at MLGOO ng DILG at sa Sangguiang Barangay. Nagpapasamat Rin po tayo sa ipinagkaloob ni Congressman David”Jay Jay”Suarez sa barangay hall compound senior citizen hindi na maiinitan o mababasa kung umuulan kung may pagpupulong, at sa mga proyekto ng DPWH nagrequest po tyo ngayon on going na Villa Macaria covered court. Malaki rin po ang pasasalamat ko ky Mayor Macky Boongaling sa Pag Asa shelter ipinagkaloob ng national government na may kabahagi ang LGU Candelaria ang proyekto para sa mga batang inabuso at hindi makapagkaloob aral ay kukupkupin natin. Kasama po sa mga proyekto ng barangay ang farm to market road sa bahagi ng Saint Anthony mula sa 20 percent development fund. Ang pagtatayo ng MRF pagbili ng lote na paglalagyan ng basura at pagse segregates at pagbili ng truck ng basura. Malaki rin ang pasasalamat ko sa Home Owners Association sa pakikipagtulungan sa barangay sa clean up drive at sa Sitio Taraga Villa Macaria at ipagkakaloob na po sa atin upang maging legal na ipapanoraryo na natin ang mga dokumento ng titulo upang ipagkakaloob ko sa inyong pangulo ng home owners association ng Sitio Taraga. Hinihikayat ko upang tumulong sa programa ng barangay para matiyak ang patuloy pag unlad magkaroon ng mapayapang komunidad. Nuon una po ako pumasok sa politika sa bayan ng Matnog Sorsogon hindi ko kasama ang Ama ko o tiyo ko kung kayat hindi ako pinalad manalo bilang bise alkalde, pero minahal po tayo ng tao doon ang mahalaga ang pagtanggap at pag uugali upang magtagumpay sa pamumuno ang susi sa matagumpay na barangay, walang pangarap na hindi kayang abutin basta sama sama at nagtutulungan kung kaya ang aking hiling sa mga darating pang panahon ipagpatuloy ang pagkakaisa, pagbabayanihan at kooperasyun ng mga namumuno ng mamayan, magkapit bisig tayo humakbang tungo sa masayang kinabukasan ng Masalukot Uno.
No comments