Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

P2.23B budget ng Lungsod ng Batangas sa 2020, aprubado ng SP

by Mamerta De Castro October 26, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Matapos ang dalawang araw na hearing ng Committee on Appropriations, inaprubah...

by Mamerta De Castro
October 26, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Matapos ang dalawang araw na hearing ng Committee on Appropriations, inaprubahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod ng Batangas ang P2.23B Annual Budget para sa taong 2020 noong ika-8 ng Oktubre.

Nakakuha ng pinakamalaking budget ang City Mayor’s Office (CMO) na may P355.5M para sa personnel services, maintenance and other operating expenses, capital outlay at financial expenses na may 13 divisions. Naglaan naman ng P456.2M budget para sa programs at projects ng lungsod.

Ang City Health Office (CHO) ang sumunod na nakakuha ng P152.7M, Office of the General Services na may P106.6M, Office of the City Engineer na may nakalaang P99.9M at Office of the Sangguniang Panglungsod na may P79.9M.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kasama din sa naturang budget ang Special Purpose Appropriation na nagkakahalaga ng P495.9M para sa subsidies sa national government, non-government organizations at people’s organization; aid sa barangay, Boy Scout at Liga ng Barangay; loans/interest payable; Gender Development Program, Local Disaster Risk Reduction and management Fund at 20% Development Fund.

Samantala, naglaan ng inisyal na P10M pondo para sa pagsisimula ng proyektong pabahay para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Konsehal Alyssa Cruz-Atienza, chairperson ng naturang komitiba, na siniguro ng mga miyembro ng konseho na maayos at hindi minadali ang pagkakapasa ng taunang budget.

“Kumpleto po ang mga records at dokumento gayundin ang mga kinatawan ng divisions na may kinalaman sa annual budget kaya’t mabilis nag naging proseso upang maipasa ang ordinansa na nag-aapruba dito,” ani Atienza. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas City)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.