by Nimfa Estrellado October 26, 2019 Pinangunahan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Quezon...
October 26, 2019
Pinangunahan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar at Quezon 2nd District Representative David Suarez ang pagpapasinaya ng kauna-unahan sa CALABARZON na underpass sa Barangay Gulang-gulang, Lucena City noong Oktubre 23, 2019. |
LUCENA CITY, Quezon - Ang unang underpass sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na inaasahan na mapagaan ang pagbababiyahe sa rehiyon ng Bicol at katimugang bahagi ng lalawigan na ito ay inagurahan at opisyal na binuksan sa mga motorista dito noong Okubre 23, 2019.
Pinangunahan ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang inagurasyon ng 472 metro ang haba nito at may kasamang 16 lineal-meter na kongkretong tulay ng underpass na itinayo sa Diversion Road sa Barangay Gulang-Gulang sa Lungsod na ito.
Si Villar, ang namuno din ng opisyal na "drive-through" ng proyektong pang-imprastraktura, ay sinabi na tumagal ng dalawang taon upang makumpleto ang underpass, na may kabuuang pondo na P245 milyon.
Sinabi ni Villar na layon ng underpass na pagaanin ang trapiko sa rutang Daang Maharlika, madalas dinadaanan ng mga taga-Manila na motorista na patungong Bicol, at pabalik.
Pinasalamatan niya si Quezon 2nd District Rep. David Suarez sa kanyang tulong upang matapos ang proyekto.
Ayon pa kay Villar na ang road project ay bahagi ng programang “Build, Build, Build” program ni Pangulong Rodrigo Duterte, magbukas ng iba pang kalsada para mapaluwag ang mga highway at mga pangunahing kalsada at daanan, upang mabawasan ang oras ng pagbababiyahe sa pagitan ng mga lalawigan.
[A]t least 70 percent of motorists that will traverse the intersection will benefit from the completion of this project. The remaining 30 percent, on the other hand, is expected to pass through the service road,” ayon kay Villar.
Ang iba pang mga panauhin sa nasabing pagpapasinaya ay sina DPWH Senior Undersecretary Rafael Yabut, Assistant Secretary Eugenio Pipo, regional director Samson Hebra at assistant regional director Jovel Mendoza.
Ang mga lokal na opisyal ay naroroon din sa nasabing pagpapasinaya ay sina Lucena City Administrator Anacleto Alcala Jr. representing Mayor Roderick Alcala, provincial councilors Romano Talaga and Beth Sio and city councilors Nilo Villapando, Amer Lacerna and Christian Ona.
No comments