Editorial October 19, 2019 Patapos na ang buwan ng Oktubre. Dalawang buwan na lang, tapos na rin ang taong 2019. Subalit patuloy na ...
October 19, 2019
Patapos na ang buwan ng Oktubre. Dalawang buwan na lang, tapos na rin ang taong 2019. Subalit patuloy na binibisita ng bagyo (storm o typhoon) ang Pilipinas. Sunod - sunod, hindi na halos makahinga ang mga Pinoy. Kapag ganitong panahon ng tag-ulan, sadyang binabagyo ang bansa, mahigit 20 bagyo ang nananalasa. Dahil sa sunod-sunod na bagyo, medyo nakakaligtaan ang isa pang banta ng kalamidad, ang lindol.
Nito lang nakalipas na Hulyo, Agosto at Setyembre, ilang bahagi ng Pilipinas ang niyanig ng lindol, kabilang ang Batangas. Tuloy, nakaisip magsagawa ng earth-quake drill sa mga paaralan at mga tanggapan ng gobyerno, maging sa mga shopping mall.
Mabuti ito, dapat may sapat na kaalaman at kahandaan ang mga tao. Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakaambang paggalaw ng West Valley Fault. Kasabay nito ang pagpapaalala sa publiko para sa ilang praktikal na kahandaan sa banta ng lindol.
Ang ilan sa mga tinukoy ni Dr. Renato Solidum, director ng Phivolcs ay ang mga sumusunod: Sa loob ng tahanan. tanggalin ang mga frame, eskaparate, libro at ibang pang gamit sa itaas ng kama dahil delikadong bumagsak ang mga ito, lalo na kung ang paglindol ay mangyayare habang natutulog. Maniguro rin at ihanda ang “emergency survival bag” ng pamilya.
Tiyakin na may mga pagkain, tubig, gamot, damit, pito at debateryang radyo ito para makapag-monitor pa rin ng sitwasyon kaugnay sa lindol. Ang pag-uusap at pagbibigay-alam sa bawat miyembro ng pamilya kung ano ang dapat gawin sa sandali ng lidol: duck, cover at hold; at pagkatapos nito kung saan ang lugar ng magiging tagpuan ng pamilya sakaling magkahiwa-hiwalay ang bawat miyembro. Malaking tulong kung isa sa miyembro ng pamilya ay may kaalaman sa pagbibigay ng pangunang-lunas o first aid. Maiiwasan, kundi man ay mapapaliit ang tsansa na may ma-injury sa miyembro ng pamilya kung nakakapag-earth quake drill. Dahil sa pagkakaroon ng kaalaman, mababawasan o maiiwasan ang mag-panic.
Sakaling magpagawa ng bahay, ipinapaalala na huwag tipirin ang materyales. Makakabuti rin na mapatingnan sa engineer ang kapasidad sa malakas na lindol ng bahay o gusali.
No comments