Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagpapatupad ng Biofuels Act of 2006 ang sagot, hindi jeepney phase out

by Jay Silva Lim October 5, 2019 Mga grupo ng transport at commuter, sa pangunguna ng Piston at ng No To Jeepney Phase-Out Coalition na...

by Jay Silva Lim
October 5, 2019
Mga grupo ng transport at commuter, sa pangunguna ng Piston at ng No To Jeepney Phase-Out Coalition na nagsagawa ng isang protest rally sa Mabuhay Rotonda, Quezon City para sa Nationwide Transport Strike laban sa pag-phase-out ng Public Utility Jeepneys (PUJ) bahagi ng “modernization” policy ng adminitrasyong Duterte. (Photo by Defend Job Philippines)


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Noong nakaraang Lunes ika-30 ng Setyembre naglunsad ng nationwide transport strike ang mga drivers na kasapi ng progresibong grupo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), kasama ang mga myembro ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at ang Stop and GO sa iba’t-ibang panig ng bansa, upang kondinahin ang pagpapatupad ng Jeepneys Phase-out na bahagi lamang ng Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Ang PUVMP na inilunsad ng Department of Transportation (DoTr) noong 2017 ay layuning gawing efficient at environment friendly ang public transport ng Pilipinas sa taong 2020. Bahagi at isinusulong ng programang ito ang phase-out ng mga jeepneys, buses at iba pang mga Public Utility Vehicles o PUV’s na may 15 taon at palitan ang mga ito ng ligtas, komportable at environmentally-friendly na mga alternatibong pang masang masasakyan. Sa kasalukuyan tinatayang 220,000 jeepney ang nag ooperate sa buong bansa at karamihan dito’y apektado ng nasabing phase-out.

Ayon sa Land Bank of the Philippines tinatantya nilang ang alternatibong pamalit sa jeepneys ay nagkakahalaga ng P1.4 milyon hanggang P1.6 milyon. Subalit kung susumahin batay sa 6 na porsyentong taunang tubo ( 6% interesper annum) sa pitong taong tagal ng pagbabayad aabut pa ito sa kabuuang halagang P2.1 milyon. Kaya naman tinagurian itong “anti-poor” na programa ng pamahalaan.

Batay sa pahayag ng IBON Foundation ang PUV modernization ay hindi dapat maging pahirap at pasanin ng mga drivers at pasahero, dapat ito’y makatarungan at para sa kapakanan ng nakakaraming mamamayan at ito ay tungkulin ng pamahalaan hindi dapat ito iniaasa sa mga profit-seeking big corporate sectors. At binigyan din pa ng grupo na ang modernisasyon ng public transport ay dapat gawin na may pagsasaalang-alang at hindi magiging sanhi pa ng pagkawala ng ikinabubuhay ng mga drivers at hindi nakokompormiso ang mga commuters para lang sa kapakanan ng mga big business interests.

Hindi lingid sa atin na ang mga jeepneys ang isa sa pangunahing sinisisi sa mga trapik sa National Capital Region at iba pang kalunsuran sa ating bansa. At dahil ang gatong na nagpapatakbo sa mga jeepneys ay fossil fuels nasisi rin ito maging sa pagtaas ng emisyon at pagdumi ng kalidad ng hangin sa Metro Manila.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon pa nga sa pagaaral ng Manila Observatory isang nonprofit science research institute ang 15 porsyentong ambag na emisyon ng mga particulates matter na nakakadumi ng hangin sa kamaynilaan ay nagmumula sa mga jeepneys na ang gatong ay krudo o diesel.

Kaya naman batay sa resulta ng pagaaral na ito, minabuti ng DoTr at ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano at programang phase-out ng mga jeepneys na labing limang taon ng tumatakbo sa kalsada at palitan ito ng mas malaki o minivan, ligtas at hindi nagbubuga ng maduming usok na nakakasira ng Kalikasan at negatibong makakaapekto sa kalusugan ng mamamayan.

Sapagkat ang pangunahing dahilan ng nasabing jeepneys phase-out ay ang emisyon at pagdumi ng hangin mukhang napapanahon ang pagsusulong ng seryosong pagpapatupad ng Republic Act No. 9367 o kilala sa tawag na Biofuels Act of 2006. Isang polisiya ng estadong nagtatadhana na bawasan ang pagdepende ng bansang Pilipinas sa mga inaangkat sa ibang bansang mga fossil fuels upang maproteksyunan ang kalusugan ng nakakaraming mamamayan, kalikasan at natural na ekosistema ng bansa na naaayon sa pangmatagalang pambansang pagsigla ng ekonomiya o country’s sustainable economic growth na mas magkakapagbigay ng malawak na opurtunidad at kabuhayan sa pamamagitan ng pag tangkilik at mismong pag gamit ng biofuels na mismong sa Pilipinas na magmumula.

Mas nauna ang Pilipinas kesa sa Indonisia at Malaysia ngunit sa ngayon ay di hamak na nauna na ang mga bansang ito at lubusan ng naiwan ang bansa natin sa implementasyon. Napako ang Pilipinas sa B2 o Blend 2% ng coconut methyl alcohol ester o CME, samantalang ang Indonisia sa kasalukuyan ay patungo na sa B30-50% at target pa nilang gawing B 100% sa taong 2030.

Kamakailan lamang ay nanawagan ang Biofuels industry stakeholders dito sa ating bansa sa pamahalaan na pahintulutan mapataas kahit man lang sa B3% ang CME blend sa diesel sapagkat maaring maging isa ito sa makakatugon sa pagkontrol ng papabagsak ng presyo ng kopras.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Batay sa pahayag ni Rafel Diaz president ng Asian Institute of Petroleum Studies mas mainam na aprubahan na ng pamahalaan ang B5, o ang 5% CME mix ng diesel. Handa rin ang grupo ni Diaz sa compromise na ngayong taong ito ay aprubahan ang B3, next year ay B4.

Samantala ayon sa Republic Act No. 9367 o Biofuels Act of 2006 minamandato nito na dapat ang blend ng biofuels sa diesel ay maipatupad upang mabawasan na ang ating labis na pagdepende sa imported oil at o fossil fuels mula pa sa ibang bansa. Dapat na sa 2020 ang biodiesel blend ay maging 10%, na. Katulad din ito ng natukoy sa Philippine Energy Plan 2012-2030.

Ang nasabing Energy plan at ang Biofuels Act may matibay at makatotohanang suporta sa mga magniniyog o coconut farmers sa kadahilanang kapag tumaas ang pangangailangan ng CME o biofuels sa lokal na merkado tataas din ang lokal na produksyon ng kopras at langis ng niyog o coconut oil at magiging positibong epekto nito ang siguradong steady income ng mga magsasaka o magniniyog at mga umaasa ditong sektor at industriya sa ating bansa. Idagdag pa dito ng dadaming mga magkakahanapbuhay at magkakaroon ng siguradong kita sa kanayunan, masisiguro ng pamahalaan ang malinis na energhiya na isinasaalang-alang ang Kalikasan, ang samut-saring buhay at ang kasiguruhan at pangmatagalang pagkain ng nakakaraming mamamayan. At kung mismong dito sa ating bansa galling ang malinis na langis at o enerhiya at hindi ito galing sa ibang bansa, makakasiguro tayong mamimitgate natin mismo emisyon ng mga nakakalasong greenhouse gas (GHG).

Ayon naman sa panayam kay Ka Rene Cerilla ng Pambansang Kilusan ng Samahang magsasaka sa Pilipinas o PAKISAMA. Kung ang pagpapaunlad at seryosong pagpapatupad ng RA 9367 ang ating isusulong at ang pag target na gawing 100% Coconut Biofuels ang gamitin sa ating bansa mukhang hindi na kakailanganin pa ang Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP at uunlad pa ang ating ekonomiya sa kanayunan at buong bansa. At magiging bonus na lang natin ang totohanan at makabuluhang ambag ng Pilipinas sa metigasyon at pagresolba ng Global Warming at Climate Crisis.

Pagpapatupad dapat ng RA 9367 at makatarungang pagbabalik ng coconut levy fund sa magniniyog ang agarang inaasikaso ng pamahalaang Duterte at hindi ang Jeepney Phase out! Dagdag pa ni Cerilla.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.