Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Pamunuaan ng Brgy. IX patuloy ang isinasagawang check point operation sa kanilang lugar

October 12, 2019 Upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kanilang lugar, patuloy ang isinasagawang check point operation ng Sanggu...

October 12, 2019

Upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kanilang lugar, patuloy ang isinasagawang check point operation ng Sangguniang Barangay ng Nueve dito.

Kamakailan ay pinangunahan ni Chairwoman Felipina Flancia ang pagsasagawa na ito kasama sina Kagawad Picoy Go at Godisson Dimaculangan at ang kanilang mga barangay tanod.

Maging ang ilang mga tauhan ng Lucena PNP, ilang mga traffic enforcers ng lungsod at ang samahang Primo ay nakakatuwang ng mga ito upang mas lalo pang mapaigting ang kanilang pagsasagawa ng nabanggit na operasyon.

Ang naturang operasyon ay ang pagbabawal sa lahat ng mga motorsiklo at tricycle na may maiingay na tambutso na pumasok sa kanilang barangay.

Ito ay dahilan sa reklamong ipinarating ng ilang mga residente dito sa tanggapan ng Sangguniang Barangay na nakabubulahaw at nakaiistorbo sa kanilang pagtulog lalo na sa dis-oras ng gabi.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Kung kaya naman naisipan ni Kagawad Dimaculangan, na magpasa ng ordinansa hinggil sa paglalagay ng checkpoint at pagbabawal na makapasok ang mga motorsiklo at tricycle na may maiingay na tambutso sa kanilang barangay.

Nagpapasalamat naman ang mga residente sa Brgy. IX sa pagkakaroon ng ganitong uri ng aktibidad sa kanilang lugar at nagiging matahimik na dito.

Samantala, kasabay ng pagsasagawa ng checkpoint dito, patuloy rin ang ginagawang pagroronda ng mga barangay tanod sa kanilang nasasakupan.

At sa kanilang pagrorondang ito, may mga ilang kabataan ang kanilang naiimbitahan sa barangay hall dahilan sa paglabag ng mga ito sa curfew.

Dito ay kanilang inaalam ang dahilan ng mga kabataang ito kung bakit nananatili pa sila sa lansangan ng dis-oras ng gabi habang inaantay ang mga magulang ng mga ito upang sunduin sila.

At bilang pakonswelo ng pamunuaan ng barangay, ay pinakakain pa ito nina Kagawad Go at Dimaculangan kasama na ang pagbibigay pangaral habang nag-aantay ang mga ito.

Ang mga hakabanging ito ay dahilan sa pagnanais ng pamunuaan ng Sanguniaang Barangay ng Nueve na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang lugar at upang maging ligtas ang lahat ng mga residente dito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.