October 12, 2019 Bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa lahat ng sektor ng kanilang barangay, pinagkalooban ng pamunuaan ng Sanggunian...
Bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa lahat ng sektor ng kanilang barangay, pinagkalooban ng pamunuaan ng Sangguniang Barangay ng Silangang Mayao ng mga bagong uniporme ang mga kanilang barangay tanod.
Pinamunuaan ni Chairwoman Nieves Maaño ang pamamahagi ng naturang kasuotan kasama ang ilang mga kagawad ng barangay.
Ayon kay Kapitana Maaño, taun-taon nilang pinagkakalooban ng mga bagong uniporme ang kanilang mga barangay tanod.
Dagdag pa ng kapitana, ito ay upang mas lalo pang magkaroon ng inspirasyon ang mga barangay tanod na magpatrolya sa kanilang nasasakupan.
Tiniyak rin ni Chairwoman Maaño na kanilang kukumpletuhin rin ang mga kagamitan ng kanilang barangay tanod upang mas lalo pa ng mga ito na mapagsilbihan at mapangalagaan ang kaayusan at katahimikan sa barangay Silangang Mayao.
Bukod rin dito, napagkalooban rin ang nasabing mga benipisyaryo ng mga batuta, flashlights at iba pa na galing naman sa ilang mga nagsasanay na magpulis na nagsagawa ng isang aktibidad sa kanilang barangay.
At kagaya rin ng hangarin ng Sangguniang Barangay ng naturang lugar, ito anila ay upang mas makadagdag pa ng motibasyon na makapagpatrolya sa kanilang lugar nang mas mabuti.
Ang pagkakalob na ito ng mga karagdagang kagamitan sa mga alagad ng katahimikan at kapayapaan sa Brgy. Silangang Mayao ay sa pagnanais na rin ng pamaunaan ng nabanggit na lugar sa pangunguna ni Kapitana Nieves Maaño na mas lalo pang maging ligtas at maging matahimik ang kanilang lugar sa pamamagitan ng masisipag at magigilas na barangay tanod ng kanilang barangay.
No comments