October 19, 2019 Hindi ba’t kay gandang manirahan sa isang pamayanan na mapayapa at malayo ang mga mamamayan nito sa impluwensya ng ipinag...
Hindi ba’t kay gandang manirahan sa isang pamayanan na mapayapa at malayo ang mga mamamayan nito sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot? Mga mamamayan lalo’t higit ang mga kabataan na may sapat na kaalaman sa mga masasamang naidudulot ng droga sa buhay ng bawat isa.
At upang mas maisakatuparan ang ganitong uri ng komunidad, tuloy-tuloy ang pagsusulong ng sangguniang barangay ng Mayao Castillo ng mga programang mas magpapaigting ng kanilang kampanya laban sa mga masasamang Gawain.
Isa na dito ay ang katatapos lamang na “takbo barkada kontra droga; kabataan, lalaban ka” na ginanap sa bahagi ng Purok Central papuntang Purok Matahimik, Purok Dalampasigan at Purok Riverside ng naturang barangay.
Sama-samang tumakbo ang mga kabataan ng Brgy. Mayao Castillo bitbit ang kanilang adhikain na maging kaisa ng lokal na pamahalaan sa anti-drug campaign.
Bukod sa kanila, nakilahok din sa pagtakbo ang mga opisyal ng pamunuan, ilang guro mula sa LCNHS Mayao Castillo Annex, ilang miyembro ng Mayao Castillo Tricycle Operators and Drivers Assocaition at marami pang iba.
Sumuporta din sa Gawain ang kapulisan sa katauhan ni Police Officer II Ana Paral at ang tanggapan ng City Anti-Drug Abuse Council sa pamamahala ni Francia Malabanan.
Matatandaang inulunsad ito bilang pagtugon na rin sa mungkahi ng isang kagawad sa barangay na siyang sinang-ayunan naman ng pamunuang barangay sa pangunguna ni Kapitan Virgilio Garcia. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments