Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Quezon, Child-Friendly Local Governance 2019 awardee

October 5, 2019 Ginawaran ng parangal ang lalawigan ng Quezon ng Seal of Child-Friendly Local Governance 2019 mula sa Department of So...

October 5, 2019





Ginawaran ng parangal ang lalawigan ng Quezon ng Seal of Child-Friendly Local Governance 2019 mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa regional level ng ginanap noong October 2, 2019 sa Ynares Event Center Antipolo, City


Si Bondoc Peninsula Congresswoman Aleta Suarez ang tumanggap sa nasabing parangal bilang kinatawan ni Gobernor Danilo Suarez na kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson.

Ang nasabing karangalan ay resulta bilang pagpapatunay sa isinagawang mandatory Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) na ginagawa taon-taon na sumasaklaw sa lahat ng mga lungsod at munisipyo sa buong bansa.

Napagkalooban din nang katulad na parangal ang 2 syudad at 38 na bayan maliban lang sa Jomalig.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang Seal of Child-Friendly Local Governance ay program ng Council for the Welfare of Children (CWC) na ipinatutupad ng DSWD katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang Child-Friendly Philippines ang nagtataguyod sa lokal na pamamahala kung saan ang mga local government unit (LGU) ay binibigyan ng prayoridad ang mga bata sa kanilang pagpaplano, pagbadyet, batas at paghahatid ng mga serbisyo at tinitiyak na lahat ng mga bata ay nasisiyahan sa kanilang mga karapatan na naiuri bilang kaligtasan, pag-unlad , proteksyon at pakikilahok para makamit ang SCFLGA.

Ang tinanggap na parangal ay bilang pagpapatunay na ang lalawigan ng Quezon ay tinitiyak ang hangarin at pagsisiskap na tugunan ang mga serbisyong moral at panlipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahusay na buhay at mas maliwanag na hinaharap para sa mga bata na palagiang ipinatutupad sa lalawigan. (Quezon-PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.