by Ruel Orinday October 19, 2019 LUNGSOD NG LUCENA - Iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Seal of Child-Fr...
October 19, 2019
LUNGSOD NG LUCENA - Iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Seal of Child-Friendly Local Governance 2019 regional level sa lalawigan ng Quezon sa seremonyang idinaos kamakailan sa Ynares Event Center, Antipolo City.
Tinanggap ni Bondoc Peninsula Congresswoman Aleta Suarez ang parangal bilang kinatawan ni Gobernor Danilo Suarez kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson.
Pinagkalooban din nang katulad na parangal ang dalawang siyudad at 38 na bayan sa Quezon maliban sa Jomalig.
Ang nasabing karangalan ay resulta ng mandatory Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) na ginagawa taon-taon bilang bahagi ng Seal of Child-Friendly Local Governance, isang programa ng Council for the Welfare of Children (CWC) na magkatuwang na ipinatutupad ng DSWD at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sinasaklaw ang lahat ng mga lungsod at munisipyo sa buong bansa.
Samantala, ang Child-Friendly Philippines naman ang nagtataguyod sa lokal na pamamahala kung saan ang mga local government units (LGUs) ay binibigyan ng prayoridad ang mga bata sa kanilang pagpaplano, pagbadyet, batas at paghahatid ng mga serbisyo at tinitiyak na lahat ng mga bata ay nasisiyahan sa kanilang mga karapatan na naiuri bilang kaligtasan, pag-unlad , proteksyon at pakikilahok para makamit ang SCFLGA.
Ayon sa Quezon Public Information Office (PIO) ang tinanggap na parangal ng lalawigan ng Quezon ay pagpapatunay na tinitiyak ng pamahalaang panlalawigan ang hangarin at pagsisiskap na tugunan ang mga serbisyong moral at panlipunan para sa mga bata sa pagbibigay ng mahusay na buhay at mas maliwanag na hinaharap na palagiang ipinatutupad sa lalawigan. (Ruel Orinday-PIA-Quezon/ may ulat mula sa Quezon PIO)
No comments