October 5, 2019 SAN ANTONIO, Quezon - Ipinagdiwang nitong ika-3 ng Oktober ang selebrasyon para sa mga senior citizen na may temang ...
SAN ANTONIO, Quezon - Ipinagdiwang nitong ika-3 ng Oktober ang selebrasyon para sa mga senior citizen na may temang “Healthy Aging Starts with Me” sa bayan ng San Antonio Quezon.
Dinaluhan ni KALIPI Provincial Federation President Atty. Joanna Suarez na siyang kumatawan kay Congresswoman Aleta C. Suarez bilang pangunahing pandangal ng selebrasyon kasama sina 2nd district Bokal Beth Sio at ang dating Bokal ng 4th district Gerard Ortiz.
Ibinihagi rin ni Atty. Suarez na may panukalang batas si Congresswoman Aleta ang “Parents Welfare Act” na layunin tugunan ang mga paghihirap, pagod at dedikasyon sa pagpapalaki ng mga anak. Nakapaloob din sa naturang panukala na mabigyan ng allowance ang mga senior citizens.
“Buong buhay namin nandiyan ang aming mga magulang lalo na sa panahon ng pangangailangan kailangan naming ipakita ang aming pasasalamat at ang utang na loob namin sa mga magulang at ‘yan ang basehan ng Parent’s Welfare Act” dagdag pa ni Atty. Suarez.
Kasabay din ng pagdiriwang ng ika-62 Founding Anniversary ng nasabing bayan. Ito ay nakasaad sa Executive Order No. 270, s. 1957 na ipinasa ni dating President Carlos P. Garcia, Creating The Municipality Of San Antonio In The Province Of Quezon na isinulong ng isang konsehal sa Tiaong na si Juanito Wagan at siya rin ang unang naging Mayor, ayon kay Atty. Suarez.
Dagdag pa niya, “Kaya mapapalad po kayo, na ang namumuno sa inyo ay nanggaling sa isang tao na may pananaw, na may kakayanan na itaguyod ang San Antonio para magkaroon ng sariling kapalaran”.
At bilang pagtatapos nagpasalamat si Atty. Suarez sa mainit na pagtanggap at kanyang hiniling na magkaroon muli ng selebrasyon o iba pa pang pagkakataon na makasama niya ang mga senior citizen.(Quezon-PIO)
No comments