by Mamerta De Castro October 5, 2019 LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS - Humigit-kumulang sa 80 kinatawan mula sa mga establisimyentong pangtu...
October 5, 2019
LUNGSOD NG TANAUAN, BATANGAS - Humigit-kumulang sa 80 kinatawan mula sa mga establisimyentong pangturismo ang dumalo sa isinagawang safe tourism forum na ginanap sa Pres. JP Laurel Memorial Gymnasium I sa lungsod na ito kamakailan.
Ang Safety, Security and Accessibility of Tourist Forum ay itinaguyod ng pamahalaang lungsod ng Tanauan at pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa layuning mapangalagaan ang mga turistang nagtutungo sa lungsod at maging sa buong lalawigan.
Sinabi ni Jaida Castillo, Assistant Department Head ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), ang Tanauan City ay isang emerging destination sa lalawigan dahil sa maraming mga lugar na maaaring puntahan at bisitahin lalo na at malapit ito sa lawa ng Taal.
Binigyang-diin naman ni Kon. Glen Win Gonzales, Chairperson ng Committee on Tourism, Archives and Historical Matter na ang lalawigan ng Batangas ay itinanghal na Top 3 destination for 2018 batay sa ulat ng Department of Tourism (DoT).
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sa datos ng lungsod noong 2018, nakapagtala ito ng 120,204 mga turista na pumasyal sa lungsod na kabilang sa mga lugar na pinupuntahan ang Museu ng Tanauan, Mabini Shrine at pagsasagawa ng Lakbay Aral.
Nag-ulat naman si Atty. Kimberly Dyane Garcia, kinatawan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) tungkol sa insidente ng pagkalunod sa buong lalawigan mula 2015-2019. Sa ulat ni Garcia, walang naitalang insidente ng pagkalunod sa lungsod ng Tanauan at isa ito sa hamon na mapanatili ang magandang record.
Ilan pa sa mga nagbahagi ng mga makabuluhang kontribusyon patungkol sa ‘Safety and Security Measures for Tourist & Tourism Establishments’ sina District Commander Commodore Artemio M. Abu, Cost Guard District Southern Tagalog, Mr. Ferdinand Tabili ng Philippine Red Cross, PMAJ Joel L. Alvarez mula sa Philippine National Police (PNP) at C/Insp. Anthony R. Arroyo, City Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection- Tanauan City.
Kabilang sa mga tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng duly accredited lifeguard para sa mga resort, pagsasa-ilalim sa first aid training ng mga empleyado sa bawat establisyimento, pagsaulo ng mga ‘emergency hotlines’, programang ‘Bantay Turista’ ng PNP, at ang ‘safety tips’ para makaiwas o sa oras ng sunog. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from CIO Tanauan)

No comments