by Lolitz Estrellado October 19, 2019 Taal Vice Mayor Jovits M. Albufera TAAL, Batangas - “Ipinagmamalaki namin ang Taal, mayaman i...
October 19, 2019
Taal Vice Mayor Jovits M. Albufera |
TAAL, Batangas - “Ipinagmamalaki namin ang Taal, mayaman ito sa kasaysayan. We have national treasure which we want to preserve.” Ito ang pambungad na sinabi ni Taal Vice Mayor Jovits M. Albufera sa isang ekslusibong panayam dito noong martes.
Ipinaliwanag nito na ang Taal ang pinakamatandang bayan sa buong Batangas, isang maalamat na idineklarang “Heritage Village” malapait sa pansipit river at balayan bay.
“Marami itong historical landmarks tulad ng Basilica, mga old houses, museums, at iba pa na talaga namang sinisikap nating mai-preserve. To mention a few, ang Our Lady of Caysasay Shrine, Gregorio Agoncillio Mansion, Villla Tortuga, Galleria Taal, Sta. Lucia Twin Well, at marami pang iba,” ayon pa ssa masipag na bise alkalde.
Binanggit din nito na dahil sa kagustuhan nila na mapanatili ang mga old houses at national treasures ng Taal, tila nga nasasakripisyo ang pasok ng modernong mga investments tulad ng mall, mga high-tech buildings at iba pa.
Ganon pa man, hindi naman umano masasabing kabawasan ito sa ekonomiya ng bayan na isang second class municipality na.
Ang aming annual budget for 2019 ay sapat, wala kaming problema sa trapiko, wala ring problema sa peace and order, walang drug-related killing, at isolataed cases lang paminsan-minsan na mga kayo pa ang may gawa. Likas pong peace-loving ang mga Taalenos, pahayag pa ni Vice Mayor Jovits.
Sa tulong ng pulisya, nagsasagawa umano sila ng continouos monitoring.
“Sa pangunguna ng ating butihing Mayor, Hon. Pong Mercado, napagkalooban nga po ng 2016 Seal of Good Local Goverance ang Taal. Team effort po ng lahat ng local officials at department heads, at priority talaga ay kung paano umunlad ang mamamayan.”
Binanggit din ni Vice Mayor Jovits na plano nilang i-develop ang plasa, gawing peoples park pero mangangailangan ito ng malaking pondo.
“marami pong magagandang plano, tulad ng sana ay mga bayaning mula dito sa Taal at sa lalawigan ng Batangas ay magkaroon ng mga rebulto, gawing one-way para sa mga kalesa sa lugar kung nasaan ang mga old houses. Kapag okay kay Mayor Pong Mercado, matutupad po ang mga iyan, “dagdag na paliwanag ni Vice Mayor Jovits Albufera na may 21 taon na sa public service.
Naging konsehal ng bayan ito noong 1992-1998, vice mayor naman noong 2001-2007 at ngayon nga ay bise alkalde muli.
No comments