PADRE GARCIA Mayor CELSA BRAGA RIVERA. by Lolitz Estrellado October 19, 2019 PADRE GARCIA, Batangas - Naging mabunga, makabuluhan at k...
PADRE GARCIA Mayor CELSA BRAGA RIVERA. |
October 19, 2019
PADRE GARCIA, Batangas - Naging mabunga, makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Padre Garcia ang unang 100 araw ng kanilang butihing Ina ng Bayan, Mayor CELSA BRAGA RIVERA.
Sa isang ekslusibong panayam sa mabait at magandang alkalde, sinabi nito, “Napakasaya po, matagumpay naman at kitang-kita, ramdam ko ang saya sa ating mga kababayan. Marami na rin po tayong na-achieved at tuloy-tuloy ang ating programa.”
Kabilang sa mga prayoridad ni Mayor Celsa ang livelihood, edukasyon, health, auction market at ang good goverance.
“Lagi po tayong nakasuporta sa edukasyon dahil alam ko na ito ang susi sa pag-unlad. Sa kalusugan po, patuloy na umiikot sa mga barangay para sa pagbibigay ng libreng check-up, gamot at pagkain sa ating mga kababayan. Ganoon din, sa livelihood program ay nagkaloob tayo ng 34 sewing machines sa Brgy. Pansol at Payapa. Malaking tulong po ito sa kanilang pamilya," paliwanag pa ni Mayor Celsa na ayon sa mga mapagmasid ay maihahalintulad kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa sa 5 Metro Manila Dream Team na mga mayors. Anila, si Mayor Celsa naman ay kabilang sa Dream Team ng Batangas Province na binubuo rin ng 5 mayors na bagong halal o first termers, pero kitang-kita na ang husay sa pamamahala. Magaling na, matitino pa.
Binanggit din ni Mayor Celsa na wala silang problema sa peace and order. Ang mga Garcianos ay likas na peace-loving at suportado ang kapulisan.
Masayang ibinalita rin ni Mayor Celsa sa ang tatlong (3) malalaking proyekto na sinimulan ng kanyang husband na si dating mayor MICHAEL ANGELO RIVERA, ang municipal college ay 75 percent complete na, ang community hospital naman ay 35% na at ang public market ay 50% na ang nagawa.
"Tuloy-tuloy po ang construction at hopefully, matapos na sa susunod na taon para mapakinabangan na ng ating mga kababayan. Huwag kayong mag-alala sapagka't maayos po ang paggastos sa pera ng bayan, para sa mga programa at proyekto na mapapakinabangan ng sambayanang Gracianos. Umasa kayo na gagawin ko ang lahat ng aking tungkulin, aalagaan ko kayo bilang ina ng bayan, “ang mensaheng ipinaaabot ni Mayor Celsa sa kanyang mga kababayan.
Kaya naman sa isang random interviews sa mga taga munisipyo, mga empleyado at hepe ng tanggapan, mga guro at estudyante, mga kapitan ng barangay at mga taga-palengke, hindi sila nagkamali nang piliin nila si Mayor Celsa para siyang pumalilt sa kanyang mister na si ex-mayor michael, sapagkat wala silang ipinagkaiba sa uri ng liderato at pamamahala na matapat, maka-Diyos, makatao at totoo ang malasakit sa tao.
Ipinagmamalaki ng mga Garcianos ang mga napagtagumpayang isagawa ni mayor celsa sa loob ng unang 100 araw nito bilang kanilang punong bayan, at nagpahayag ng kanilang pakikiisa at tuloy-tuloy na suporta sa kanyang administrasyon.
No comments