by Lyndon Gonzales November 2, 2019 Pinamunuan ni Quezon PNP Director Col. Audie Madrideo (gitna) ang Press Briefing ukol sa Undas 20...
November 2, 2019
Pinamunuan ni Quezon PNP Director Col. Audie Madrideo (gitna) ang Press Briefing ukol sa Undas 2019. |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Ipinakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 1,000 mga pulis sa iba’t ibang panig ng Quezon para sa seguridad ng mga mamamayan at mapanatili ang peace and order sa Oplan Ligtas Undas 2019.
Sa ginanap na press briefing ngayong Biyernes sa Conference Room ng Campo Gen. Guillermo Nakar sa Lucena City, sinabi ni Quezon Provincial PNP Provincial Director P/Col. Audie Madrideo na nasa 1,000 pulis at force multipliers ang ipakakalat at magtutulungan para masiguro ang seguridad sa buong lalawigan.
Kasama sa mga force multipliers ay ang Bantay Bayan volunteers, barangay officials, media volunteers, fire and rescue volunteers, dagdag ni Madrideo.
Sinabi naman ni PLT Col. Joel Ana, ang grupo ng Quezon Highway Patrol Group (QHPG) ang siyang aalalay sa pagmimintina ng daloy ng trapiko sa Undas ng buong lalawigan.
Samantala iniulat din ng PNP na sa 3 araw na pagpapatupad ng programang “Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation” (SACLEO) noong Oktubre 26,27 at 28, 297 katao ang nadakip mula sa iba’t ibang kaso.
Sa 297 ng mga nadakip ng PNP sinabi pa ni Madrideo, nasa 29 ng mga suspek dito ang lumabag mula sa kasong paglabag sa ilegal na droga ng RA 9165 at nasamsam mula sa kanila ang 17.76 gramo ng shabu at 2006.12 gramo naman ng Marijuana.
Nasa 71 naman ang naarestong Most Wanted Person habang 4 naman ang nadakip ng may search warrant ng lumabag sa RA 10591 at nasamsam mula sa kanila ang iba’t ibang uri ng baril, 38 suspek ang nadakip sa kasong Illegal Gambling, 5 suspek sa kasong Illegal Fishing, 3 suspek sa kasong illegal logging at 147 katao ang nadakip na lumabag sa City at Municipal Ordinance sa lalawigan.
Ang mga suspek ay pawang nakakulong na sa kani-kanilang sakop ng Munisipyo at City Jail sa lalawigan. Ang nasamsam mula sa kanila ay dinala sa Quezon Prov. Crime Laboratory Office sa naturang Campo sa lungsod.
No comments