Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

₱4B loan agreement nilagdaan ng Lalawigan ng Batangas at DBP

by Mamerta De Castro November 16, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Lumagda sa isang loan agreement na nagkakahalaga ng P4 bilyon ang Pamahalaa...

by Mamerta De Castro
November 16, 2019

LUNGSOD NG BATANGAS - Lumagda sa isang loan agreement na nagkakahalaga ng P4 bilyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa DBP Head Office sa lungsod ng Makati kamakailan.

Ang naturang loan amount ay nakalaan para sa Capability Building undertakings ng pamahalaang panlalawigan upang mas maisulong ang economic development ng Lalawigan ng Batangas at social services projects para sa mga Batangueño.

Kabilang sa mga proyektong nakahanay upang pondohan ng nasabing DBP loan ang konstruksyon ng mga gusali at pasilidad para sa kalusugan, water treatment, agricultural storage at iba pang may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan, at mga kalsada at tulay; pagtatayo ng mga laboratory at paglalagay ng mga angkop na mga kagamitan para sa medical, health at veterinary concerns; pagbili ng mga IT equipment para sa mga tanggapan at paaralan; at, pagbili ng mga ambulansya, engineering heavy equipment, agricultural equipment at iba pang mga sasakyang kakailanganin sa mga panahon ng emergency at sakuna.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni DBP Chairperson Alberto Romulo, na marapat lamang na pasalamatan si Batangas Gov. DoDo Mandanas dahil sa kanyang paninindigan at pagpupursigi upang magtagumpay sa Supreme Court para sa pagsusulong ng mas maayos na local government units sa bansa.

Binigyang-diin ng dating senador, na ipinamalas ni Gov. Mandanas ang kanyang tapang at paninindigan sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para sa tamang kabahagi ng mga LGUs sa buwis. Sabi ni Romulo, “Everybody endorsed it, but not everybody had the guts to push for it (Marami ang nagsusulong nito, ngunit hindi lahat ay may tapang upang isulong at ipaglaban ito)”

Ang kasalukuyang partnership ng lalawigan at DBP ay pagsasakatuparan, aniya, ng mas maganda at makabuluhang public service para sa mga Batangueño.

Sinabi naman ni Mandanas na mas maraming tulong at serbisyo ang maibibigay para sa inaprubahang DBP loan upang mas maisulong ang kaunlaran sa probinsya.

Naging saksi sa agreement signing sina DBP President Emmanuel Herbosa; Executive Vice President Jose Gabino Dimayuga, Head ng DBP Development Lending Sector; Senior Vice President Abelardo Monarquia, Head ng DBP South Luzon Lending Group; at Vice Gov. Mark Leviste. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas Province)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.