Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Unang pag-aalay ng Bulaklak sa mga miyembro ng Confradia de San Jose Isinagawa

by Khaye Brizuela November 9, 2019 Miyembro ng Tuklas Tayabas Historical Soceity at si G. Renato Villa ( nakaluntiang damit sa gitna) mu...

by Khaye Brizuela
November 9, 2019

Miyembro ng Tuklas Tayabas Historical Soceity at si G. Renato Villa ( nakaluntiang damit sa gitna) mula sa Lucban Historical Soceity.

LUNGSOD NG TAYABAS, Quezon - Inakyat ng Tuklas Tayabas Historical Society, Lucban Historical Society at ng Kapatiran Ang Litaw na Katalinuhan o K.A.L.K. Litaw ang Mt. Banahaw - San Cristobal na nasa bahagi ng Brgy. Alitao sa Lungsod ng Tayabas noong Nonyembre 1, 2019 upang parangalan sa unang pagkakataon ang humigit kumulang na 500 miyembro ng Confradia De San Jose na dumanak ang dugo noong Nobyembre 1, 1841 sa kamay ng grupo ni Tenyente Koronel Joaquin Huet.

Tanging ang makasaysayang pananda na inilagay ng National Historical Commission of the Philippines ang nagsisilbing paalala sa naganap na Labanan sa Alitao na 178 na taon na ang nakalipas.

Pinangunahan ni Bb. Jessa Lacuesta ang pag awit ng Lupang Hinihiramg samantalang si Kagawad Armando Quintero naman ng nagbigay ng pambungad na pananalita.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Pangulong ng Tuklas Tayabas Historical Soceity, John Valdeavilla habang ngbibigay ng maiksing pananalita.



Ipinakilala din ni Vergel Villa pinuno ng K.A.L.K Litaw sa pamamagitan ng pagbabahagi ng maiksing kasaysayan ng samahan. Malaki ang ginagampanan ng naturang samahan sa pagbibigay parangal sa mga taong nagbuwis ng buhay sapagkat kasama sa kanilang adbokasiya ang pagbibigay kahalagahan sa kabayanihan.

Si G. Randy Villa ng Lucban Historical Society ang nagsalaysay ng talambuhay ni Hermano Pule o Apolinario Dela Cruz at ang mapait na sinapit ng kanyang mga kasamahan bago ang kanyang kamatayan.

Binigyang diin ni John Valdeavilla ang tinatawag na Lugar ng Erehiya ng mga Kastila na hango sa salitang “hereje” na ang ibig sabihin ay pagano.

Sinundan ito ng pag- aalay ng bulaklak ng mga samahan, pagdadasal, pag awit ng K.A.L.K Litaw at pagkuha ng larawan bago muling bumaba ang mga samahan.

Kasalukuyang naghahanap ng katuwang na samahalan o indibidwal ang Tuklas Tayabas Historical Society upang mapinturan at maisayos ang makasaysayang pananda at mabigyan ng kaukulang pag-alala ang pagbubuwis buhay ng humigit ‘ kumulang 500 na bayaning walang mga pangalan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.