Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

'Calle Hermano Puli' sentrong pangkultura, pang-ekonomiya ng Lucban, Quezon

by Lyndon Gonzales November 23, 2019 Calle Hermano Puli (Photo from Knndy Banto...

by Lyndon Gonzales
November 23, 2019


'Calle Hermano Puli' sentrong pangkultura, pang-ekonomiya ng Lucban, Quezon
Calle Hermano Puli (Photo from Knndy Banton)



LUCBAN, Quezon - Pormal ng pinasinayaan ang pagbubukas ng Calle Hermano Puli bilang pag-alaala sa kabayanihan at pagsasakripisyo ng bayaning si Hermano Puli. Ang kalye ring ito ang magsisilbing sentrong pangkultura at pang-ekonomiya ng bayan at ng lalawigan ng Quezon.

Sinabi ni Mayor Olie Dator na ang kalyeng ito ay isinusulong na maging Economic Enterprise na kung saan ang lahat ng mga barangay sa bayan ng Lucban ay magsho-showcase ng mga ipinagmamalaking produkto katulad ng sa Niyog-Niyugan Festival.



“Ang kalyeng ito ay idineklarang Eco-Cultural Heritage Zone sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na isinusulong na ang poblasyon ay maging pasyalan ng mga turista at mamamayan at ang laylayan ay expansion ng bayan. Sa labas ng bayan ay ililipat ang Grand Central Terminal, bagong munisipyo, karagdagang palengke upang mapaunlad at ma-decongest ang sentro ng bayan,” wika ni Mayor Dator.

“Ang kahabaan ng Kalye Mayor, Quezon Avenue, Kalye Rizal at Armando Racelis Avenue ay lalatagan ng bricks katulad ng sa Kalye Crisologo ng Vigan na layuning maibalik at maiangat muli ang bayan ng Lucban. Gayundin, ibabalik natin ang karitela upang maramdaman ng mga tao na ito ay naging bayan ng Kastila tulad noong unang panahon,” dagdag ni Dator.



Isinalsaysay naman ni Maria Agnes Marzan, kinatawan ng Department of Tourism (DOT) ang mayamang kasaysayan ng San Luis Obispo de Tolosa Parish Church o mas kilala sa tawag na Lucban Church at ang kabayanihan ni Hermano Puli.

“Sa mga lugar na aking napuntahan, hindi maitatanggi na sa likod ng bawat lugar ay may natatanging kuwento, kung paano nagsimula ang isang lugar, paano nabuo, bakit ipinagdiriwang at kung paano napanatiling buhay sa kamalayan ng bawat isa. Ngayong araw, pamilyar tayo sa kasaysayan ng Lucban Church. Dumaan ito sa sa maraming pagsubok at iba’t ibang sakuna ngunit ang pagtutulungan ang naging susi upang maibalik ang ganda nito. Noong 1629 nakaraanas ng unang pagwasak ang simbahan at tinupok ng apoy noong 1723, naitayong muli at bahagyang napinsala na World War 2. Sinubok ng panahon ang simbahang ito. Maihahalintulad natin ang simbahang ito kay Hermano Puli,” wika ni Marzan.



Sa kaniyang pagbabalik tanaw sa kasaysayan, si Hermano Puli ang pinuno at nagtatag Confradia De San Jose, isang kapatirang binubuo lamang ng mga Indio. Pinamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay sa kalayaang pangrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa kaparian. Nagsimulang mamuhay na parang rebelde ang mga kasapi ng Cofradia. Sa bayan ng Tayabas, ganap na nalansag ang hukbo ni Hermano Puli. Nakatakas siya ngunit nadakip. Nilitis at binitay sa bayan ng Tayabas noong Nobyembre 1841. Ngunit sa araw na ito, ang pagpapahalaga at pagsulong sa kalayaan ng rehiyon at pagkakapanatay-pantay ay matutunghayan ang inagurasyon ng Calle Hermano Puli.

“Nanatili ang bunga ng pagmamahal ni Hermano Puli sa bayang ito. Ang buhay ni Hermano Puli ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan na hindi dapat kalimutan. Alalahanin at bigyan ng parangal ang kabayanihan ni Pule. Isa na nga rito ang pagbibigay ng pangalan ng isang kalye dito sa bayan ng Lucban. Isa ito sa adhikain ng departamento na mapanatili ang kultura ng ating bayan at magkaroon ng sustainable tourism development,” dagdag ni Marzan.

Samantala, nagbigay ng mensahe si Gov. Danilo Suarez sa pamamagitan ng dating Board Member Dominic Reyes na kaisa ang Sangguniang Panlalawigan sa pag-unlad ng turismo. Sa kaniyang 5-Point Agenda na binubuo ng Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Inprastraktura, Sektor ng Pangkalusugan, Sektor ng Edukasyon, at Sektor ng Turismo na pagdating sa bayan ng Lucban nangunguna ang Sektor ng Turismo. Kaisa ang Sangguniang Panlalawigan at Serbisyong Suarez sa pangangalaga at pagpapayaman ng turismo sa bayan ng Lucban.

Makikita rin sa kahabaan ng 250 metrong kalye at pinondohan ng limang milyon ang Paskong Pahiyas na kung saan matutunghayan ang pagkamalikhain ng mga taga-Lucban, Quezon sa pamamagitan ng mga booth tampok ang mga produkto ng bayan. Inaanyayahan rin ni Mayor Olie Dator na mamasyal sa Lucban at tunghayan ang Switch-On ng Christmas light sa Disyembre 2.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.