Editoryal November 9, 2019 Ayon sa ulat mismo ng mga awtoridad, umabot sa 90 porsiyento ng mga barangay sa buong bansa ay drug infest...
November 9, 2019
Ayon sa ulat mismo ng mga awtoridad, umabot sa 90 porsiyento ng mga barangay sa buong bansa ay drug infested.
Ang ibig sabihin, laganap talaga ang iligal na droga at magpapatuloy ito kung hindi gagamitan ng kamay na bakal (baril??) ng gobyerno.
Ang barangay ang pinakamaliit na yunit at pundasyon ng gobyerno (at lipunan o komunidad.
Sa darating na Oktubre, nakatakdang ganapin ang halalang pambarangay at ng Sanggniang kabataan (SK).
At dahil sa naturang ulat na 90 porsyento nga ng mga barangay sa Pilipinas ay drug infested, malakas ang panawagang huwag ituloy o ipagpaliban na muna ang barangay at SK elections.
Mismong ang Speaker of the House of Representative na si Pantaleon Alvarez ay nagmungkahi ng pagpapaliban, sa katuwirang gagamitin umano ng drug syndicates ang mga kandidato, na mas madali raw supalpalan ng pera.
ARAY!!!
Ang baba naman ng pagtingin nito sa mga kumakandidato sa barangay at SK.
Bagaman at tutuo, mayroong ilan o maraming marami nga pero hindi lahat. Mayroon pa ring matitino at hindi mukhang pera.
At ukol pa rin sa ulat na 90 porsiyento nga ng barangay ay drug infested (ulit-ulitin po natin, ha,), hindi ba mas dapat ngang ituloy ang SK at barangay election? bakit? Ito lamang ang paraan pang mawalis sa puwesto ang mga nakaupong SK at barangay officials na walang ginawang aksyon upang masawata ang pagkalat ng iligal na droga, at sa halip ay kinunsinti, pinoprotektahan at pinagtakpan ang mga sindikato, pushers at users dahil kumikita at nakikinabang sila ng limpak-limpak na salapi dito.
WALISIN NA ANG MGA YAN!!! PALITAN NA NG BAGO!
Hindi na makakaporma ang mga sindikato sapagkat kilala at bistado na sila, at isa-isa na ngang bumulagta, pinoposasan, kinakasuhan at ikinukulong.
Ang mga barangay chairman na hawak sa leeg ng mga sindikato ay dapat nang sipain sa puwesto.
KAYA MAS DAPAT ITULOY ANG ELEKSYON SA OKTUBRE.
May mga safeguards namang pinairal ang COMELEC, tulad ng hindi na pinayagang kumandidato sa barangay at sa SK ang magkakamag-anak.
At syempre, nasa sa ating mga botante ang alas dito. Suriing mabuti ang mga kandidato. Iboto ang tunay na karapat dapat; maka-Diyos, may character at integridad, makatao, may kaalaman.
Sa madaling salita, piliin at iboto ang kandidatong MATINO at MAHUSAY.
Hindi solusyon ang pagpapaliban, bagkus ay lalabas na parang “perpetuation” o pagpapatuloy ng panunungkulan ng mga nakaupo, kaya tuloy na dapat ang eleksyon sa susunod na taong 2020, SUBALIT PLANTSADO NA ANG PAGPAPALIBAN NITO.
Inaprobahan na ng mababang Kapulungan o House of Representative ang House Bill 4933 na nag tatakda ng in Brgy at SK elections sa Disyembre 5, 2022 at inaasahang ito ay ia-adopt rin o aayunan ng Senado sa susunod na linggo.
No comments