Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

FIRST 100 DAYS NI MAYOR PONGGOS SA ALITAGTAG, MATAGUMPAY

by Lolitz Estrellado November 9, 2019 ALITAGTAG, Batangas - Naging mabunga at matagumpay, at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Alitagt...

by Lolitz Estrellado
November 9, 2019


ALITAGTAG, Batangas - Naging mabunga at matagumpay, at kapaki-pakinabang para sa mga taga-Alitagtag ang unang 100 araw ng kanilang butihing Ama ng Bayan Mayor EDILBERTO “Dingdong” PONGGOS.

Kakatapos lamang nitong nakalipas na Oktubre 14, 2019 ang first 100 days in office ni Mayor Ponggos at ang lahat ng kanyang mga nagawa bilang punong ehekutibo ng Alitagtag ay pinuri at naging kasiya-siya sa kanyang mga kababayan.

Ayon sa mga nakausap ng sumulat nito na mga residente ng Alitagtag, “Satisfied po kami sa serbisyo publiko dito sa aming bayan. Maayos at mabilis ang mga transaksyon sa munisipyo, magaganda ang mga programa ng aming masipag, magaling at mabait na Mayor Ponggos.”

Sa isang ekslusibong panayam Kay Mayor Dingdong Ponggos, sinabi nito na ang kanyang mga pangunahing programa ay nakasentro sa livelihood, edukasyon, kaayusan at kapayapaan ng buong bayan, kalinisan at kalusugan ng mga mamamayan, pagpapaunlad ng turismo at agrikultura, at pagpapalakas ng pasok ng mga bagong investors at negosyante.

“Una sa atin ang pagbibigay ng suporta o scholarship sa ating mga mag-aaral dahil mahalaga para sa akin ang edukasyon, ito po ay siyang susi sa pag-unlad. Ganoon din sa kalusugan, partikular ng mga senior citizens, mga guro na siyang nagtuturo at gumagabay sa mga kabataan, “paliwanag ng masipag na alkalde.

Naabanggit din ni Mayor Ponggos na wala naman silang malubhang problema sa peace and order sapagkat ang kanyang mga kababayan ay likas na peace-loving, sumusunod at gumagalang sa batas at suportado nila ang kapulisan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Pagdating sa kalinisan at pangangalaga ng kapaligiran, may isang nakakatuwa at magandang programa si Mayor Ponggos na isasagawa ngayong darating na Disyembre 4, 2019. Ito ay ang “BASURA, KAPALIT AY HAMON.”

Ayon sa kanya, iikot sa nasabing petsa ang kanilang truck ng basura sa mga barangay at mangongolekta ng basura kaugnay ng programang recycling at paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok.

Ang isang kilong plastic ay papalitan ng hamon, bilang insentibo na rin para mas marami ang mag-ipon ng mga plastic, maiwasan ang pagkalat ng mga ito at mapanatili ang kalinisan ng buong bayan.

Maganda ang simula ni Mayor Ponggos sa kanyang pamamahala na nakabase sa Good Goverance kaya naman nabigyan kaagad ito ng Department of Interior and Local Governments (DILG) ng mataas na grado, HIGH COMPLAINCE, patunay sa mahusay na ay matino pang liderato ng punong bayan.

Hindi naman nakaoagtataka ito, dahil bata pa lamang ay napanday na si Mayor Ponggos sa mahusay na serbisyo publiko sapagkat una, siya ay naglingkod bilang SK Chairman, naging konsehal ng bayan, at Vice Mayor noong mga na kalipas na taon.

Ipinagkakapuri at ipinagmamalaki ng alitagtag ang mga napagtagumpayang isagawa ni Mayor Ponggos sa loob ng unang 100 araw kaya naman ang kanyang mga kababayan ay nagpahayag ng kanilang pakikiisa at patuloy na suporta sa kanyang administrasyon.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.