Editoryal November 23, 2019 Sa darating na Sabado, ika-30 ng Nobyembre, 2019 ay muling gugunitain ang kaarawan ng isang bayani ng lahi...
November 23, 2019
Sa darating na Sabado, ika-30 ng Nobyembre, 2019 ay muling gugunitain ang kaarawan ng isang bayani ng lahing Pilipino, Andres Bonifacio. Holiday ang araw na ito, deklaradong walang pasok sa lahat ng antas ng eskuwelahan, pribado man o pampubliko, ganoon din sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Alam ng lahat kung sino si Andres Bonifacio, ang tinaguriang Supremo ng KKK at namuno sa pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop upang makamit muli ang pinakamimithing kalayaan ng bansa.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Kung minsan, may mga nang iintriga na ang dapat tinanghal na pambansang bayani ay si Bonifacio, at hindi si Rizal. Ang ginamit ni Bonifacio sa pakikipaglaban ay tapang, lakas at tabak; samantalang si Rizal ay talas ng isip at panulat, na siyang lalong nagpaalab sa nag-aapoy nang damdamin ng mga Pilipinong naapi ng mga dayuhan sa kanilang sariling lupain. Wala tayo sa posisyon para humusga kung sino kina Rizal at Bonifacio ang tunay na karapat dapat sa titulong Pambansang Bayani ng Pilipinas. Ang mahalaga, kapuwa sila naging instrumento sa pagpapalaya sa ating bayang sinilangan, at hanggang sa ngayon ay atin itong tinatamasa.
Huwag natin silang kalimutan, hindi lamang sina Rizal at Bonifacio, kundi lahat silang nakipaglaban at nabuwal sa gitna ng dilim para sa ating kalayaan. Sa paglipas ng panahon, nakakalungkot isipin na tila mas kilala pa at iniidulo ng mga kabataan ang mga superheroes na bukod sa mga banyaga na, ay pawang kathang-isip lamang naman ng mayamang imahinasyon ng mga manunulat. Sa telebisyon sa komiks, sa sine, at sa mga makabagong gadget at modernong mass media, sina Superman, Spiderman, Incredible Hulk at kung sino-sino pang mga hinahangaan ng mga kabataan ngayon. Eh, bakit kaya walang makaisip na ang gawing bida ay ang mga tunay na bayaning Pilipino? Sana, sa mga eskuwelahan, patuloy na bigyang-diin ang pag aaral ukol sa talambuhay ng mga bayaning Pilipino upang patuloy silang makilala at pahalagahan ng mga susunod na salinlahi; upang hindi sila tuluyang makalimutan. Sila ay bahagi ng ating kasaysayan, ng ating mga buhay. Panatilihin natiin silang buhay sa ating puso at isipan, magsilbing huwaran at inspirasyon bilang ganti sa kanilang pagpapakasakit.

No comments