Editorial November 16, 2019 Sa isang training na ginanap sa Lucena City, napansin ang isang teacher (nga ba?) na host pa naman na haba...
November 16, 2019
Sa isang training na ginanap sa Lucena City, napansin ang isang teacher (nga ba?) na host pa naman na habang nagsasalita ang isang resource speaker at major sponsor ng nasabing training, ay biglang naglagay sa kanyang tenga ng earphones.
Sa unahan siya nakaupo at sa galaw ng ulo, tila may sinasabayan siyang beat o tempo kaya siguro nakinig siya sa isang piece ng musika mula sa cellphone.
Marami ang pumuna sa ginawa ng naturang host at nag komento na sana, lumabas na lamang siya kung ayaw niyang makinig sa nagsasalita.
Ang tanong ng isang participant, “Teacher din ba siya, iyong host?”
“Ma’am, your slip was showing. Ipinakita mo lang kung gaano ka kabastos at kawalang modo.”
Kaya naman, tama nga ang gustong mangyari ng Department of Education (DepEd) na ibalik ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa curriculum upang maturuan muli ng tamang ugali ang mga mag-aaral.
Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri nais niya na ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng levels mula K to 12. Hindi raw nakatulong ang pag-downgrade ng nasabing subject tungkol sa kagandahang asal na isinama na lamang sa iba pang subjects kaya nabawasan ang mga mabubuting mamamayan at namamayagpag ang kriminalidad sa lansangan. Naniniwala si Zubiri na ang subject na GMRC noong hindi pa ito tinatanggal ang dahilan kaya walang masyadong kriminalidad sa loob at labas ng tahanan.
Muling ipaalala ang respeto at paggalang sa kapuwa, hindi lamang sa mga estudyante at kabataan, kundi maging sa mga guro at mga nakakatanda na nakakalimot sa GMRC.
Igalang mo ang iyong kapuwa kung gusto mong igalang ka rin nila.
Ang mabuting asal ay tanda ng pagiging isang mabuting tao na pinagpapala ng Diyos, nagtatagumpay at nagiging produktibo upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
No comments