November 9, 2019 Kaisa ng layunin ng pamahalaang nasyunal na mapalaganap ang inclusive growth sa lahat ng sangay ng pamayanan lalo’t higit...
Kaisa ng layunin ng pamahalaang nasyunal na mapalaganap ang inclusive growth sa lahat ng sangay ng pamayanan lalo’t higit pagdating sa aspeto ng income inequality, iba’t ibang ahensya sa ilalim nito ang nagsasagawa ng mga programa na makakatulong sa mga Pilipino.
Isa na nga dito ay ang Department of Trade and Industry o DTI, ang tanggapan na may mandato na itaguyod, buuin, mapalawak at mamahala sa foreign and domestic trade, aspeto ng industriya sa bansa at maging ang turismo.
Sa pagtugon ng DTI sa nabanggit na adhikain, sinikap nitong maipakilala at makapagkaloob ng isang programa na tinatawag na 7Ms na maaaring makatulong sa mga mamamayan upang makapagtayo ng sariling negosyo.
Gayundin ay layunin nitong matulungan ang mga mayroon nang negosyo upang mas mapataas pa ang posibleng kita nito.
Kabilang naman sa pitong Ms ay ang mindset change na naisasakatuparan sa pamamgitan ng Negosyo center’s seminars, SME Roving Academy o SMERA at ang Kapatid Mentor ME Program.
Ikalawa naman ay ang ‘Mastery’ o ang pagtuturo sa mga businessmen ng mga know-hows ng entrepreneurship, tamang pagpili ng lokasyon ng negosyo, product and market development, basic finance plan at marami pang iba.
Gayundin ang ‘Mentoring’ o ang libreng pagpapadalo sa mga negosyante sa ilang business guidance seminar ng mga pribadong sektor at industry experts.
Bahagi rin ng 7Ms ay ang ‘Money’ sa pamamagitan ng P3 microfinance program ng DTI, at ‘Machine’ sa pamamagitan ng Shared Services Facility Program o SSF.
Nagkakaroon naman ng pagkakataon ang mga negosyante na ibida ang kanilang mga produkto sa tulong ng provincial and national trade fairs, One town one product o OTOP shows, Go Lokal retail store concepts sa mga malls at internationally-recognized FAME exhibits.
At ang panghuli ay ang ‘Models of Negosyo’, kung saan ay nagpo-provide ang DTI ng iba’t ibang business ideas mula sa traditional enterprises hanggang sa direct selling at franchising.
Ang 7Ms ay isa lamang sa programa ng Department of Trade and Indutry na nakasentro sa pagpapalago ng mga micro, small at medium enterprises upang matulungan ang mga mamamayan.
Sa pagkakataong ito ay maaaring makibahagi ang mga mamamayan sa benepisyo ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya kasabay ng pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng bawat isa.. (PIO-Lucena/M.A.Minor)
No comments