November 16, 2019 Makatulong sa mga kabataan, mapadami ang aktibong mag-aaral na nagbabasa at maipakalat sa lahat ang kahalagahan ng pagbab...
Makatulong sa mga kabataan, mapadami ang aktibong mag-aaral na nagbabasa at maipakalat sa lahat ang kahalagahan ng pagbabasa.
Ito ang pangunahing layunin ng isinagawa kamakailan na aktibidad sa Bliss Elementary School sa bahagi ng Brgy. Mayao Crossing.
Katulong ang ilang guro at pamunuan ng nasabing paaralan ay idinaos ang isang storytelling activity para sa mga mag-aaral ng eskwelahan, na may temang “Edukasyon, ating iangat!”.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Naging katuwang din dito ang Sangguniang Kabataan ng barangay, sa katunayan isa sa naging story teller ng programa ay si SK Chairperson Ahra Joy Lacuarin.
Kinakitaan naman ng saya at interes ang mga kabataan na aktibong nakinig at nakipagtalastasan sa mga nagsagawa ng pagkwekwento.
Sa tulong ng aktibidad, bukod sa mahihikayat at maeengganyo ang mga kabataan na magbasa ng mga babasahing libro, mas magiging intersado rin ang mga ito na makinig sa kani-kanilang mga guro at mag-aral ng mabuti.
Ang nabanggit na story telling activity naman ay isa lamang sa isang linggong aktibidades ng Bliss Elementary School bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Reading Month. (PIO-Lucena/M.A. Minor)

No comments