by Mamerta De Castro November 9, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang isang sea ambulance s...
November 9, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ang isang sea ambulance sa Philippine Coast Guard (PCG) – Southern Tagalog District sa ginanap na Turn-over Ceremony sa PCG Headquarters sa Sta. Clara sa lungsod na ito kamakailan.
Personal na tinanggap ni Commodore Artemio M. Abu, Commander ng Coast Guard District Southern Tagalog, mula kay Gov. Hermilando Mandanas ang certificate of ownership ng nasabing ambulansiyang pandagat.
Ayon kay Abu, ito ang kauna-unahang pagkakataon hindi lamang sa kasaysayan ng Batangas kundi sa buong Pilipinas na ipinagkatiwala sa Coast Guard ang isang sea ambulance.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
“Isang marubdob na pasasalamat ang nais naming ipahatid sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng ating Governor Mandanas sa kanilang pagtitiwala sa aming hanay upang mangalaga sa isang napakahalagang kagamitan na lubhang magagamit ng aming ahensya. Amin pong pakaka-ingatan ito at iingatan,” ani Abu.
Nagpasalamat naman si Gov. Mandanas sa Coast Guard sa kanilang patuloy na pangangalaga sa baybaying dagat ng Lalawigan ng Batangas.
“Ang ating lalawigan ay tinaguriang “Most Powerful Province” at pangatlo sa favorite tourist destinations sa bansa kung kaya’t binibigyang pansin natin ang pangangailangan ng mga ahensyang tulad ng Coast Guard upang patuloy na maipatupad at maisaayos ang kanilang serbisyo na mapangalagaan ang mahabang baybayin at karagatan ng probinsya,” ani Mandanas.
Kasama rin sa turn-over ceremony sina Commander Alexis Calderon, Deputy Commander ng Coast Guard; Auxiliary Commander Leo Campos; Provincial Public Order and Safety Department head, Atty. Genaro Cabral; at, Provincial Disaster Risk Reducation and Management Officer chief Lito Castro. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas ith reports from PIO Batangas Province)

No comments