November 16, 2019 Mula sa planong pag-oorganisa ng pagsasanay para sa mga lupong tagapamayapa members ng bawat barangay sa lungsod, paghah...
Mula sa planong pag-oorganisa ng pagsasanay para sa mga lupong tagapamayapa members ng bawat barangay sa lungsod, paghahati nito sa apat na serye upang mas maunawan ng bawat isa ang nilalaman ng training hanggang sa pagsasakatuparan nito at unti-unting pag-usbong ng katagumpayan sa pamamagitan ng pagdaraos ng nauna nang dalawang batch.
Makikita sa bawat aktibidad ang kagustuhan ng mga lupon na makibahagi at mas magkaroon ng kaalaman hinggil sa justice system sa barangay, gayundin naman ang pagnanais ng nag-organisa ng trainings sa pangunguna ni Konsehala Atty. Sunshine Abcede-Llaga katuwang ang resource speakers na maiparating sa mga lupon members ang ilang kaalamang makakatulong sa kanila sa paggampan ng tungkulin.
Sa naging pahayag ni Llaga, ninanais umano niya na sa pamamagitan ng naturang enhancement training ay mabigyan ang mga partisipante ng hard skills na siyang tutulong sa mga ito sa pagganap nila sa kanilang functions.
Bilang sila ang nagsisilbing mediator o conciliator sa barangay, ang mga tips at techniques na itinuro sa aktibidad ay magagamit nila umano para tapusin ang mga pampamayanang usapin sa maayos na pamamaraan na may nagkakasundong dalawang panig.
Dagdag pa nito, isa pa sa layunin ng pagsasanay ay upang matulungan at mapaigting pa ang katarungang pambarangay, at malimitahan o mapigilan ang kaso na makarating pa sa korte, dahil ito’y kanilang naayos na.
Malaki naman ang naging pasasalamat ng mga lupong tagapamayapa members na dumalo mula sa Baranagy 1-11, Bocohan, Cotta, Domoit, Gulang-gulang at Ibabang Dupay sa naunang dalawang batch ng LUPET 2019.
Inaasahan naman ang pakikiisa sa programa ng natitira pang labing pitong barangay sa lungsod. (PIO-Lucena/M.A. Minor)
No comments