by Mamerta De Castro November 9, 2019 LUNGSOD NG BATANGAS - Muling ginawaran ng Seal of Child- Friendly Local Governance (SCFLG) ng Depart...
November 9, 2019
LUNGSOD NG BATANGAS - Muling ginawaran ng Seal of Child- Friendly Local Governance (SCFLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lungsod na ito kamakailan.
Ito ay bilang pagkilala sa mga programang ipinapatupad ng ilang mga sangay ng pamahalaang lungsod para sa kapakakanan at pangangalaga ng karapatan ng mga bata.
Sinabi ni City Social Welfare and Development Officer at Vice Chaiperson ng City Council for the Welfare of Children (CCWC), Mila Española na ang naturang parangal ay ipinagkaloob base sa isinagawang assessment at evaluation ng DSWD Regional Office kung saan nakasunod ang lungsod sa mga indicators o criteria na itinakda para sa SCFLG.
Binigyang puntos ng mga evaluators ang mga programa at serbisyo sa health, education, social services at iba pang karapatan ng mga bata.
Ilan sa mga programang pangkalusugan ay ang comprehensive maternal and child health care, mutrition, national immunization, integrated management of childhood illnesses, dental health care at adolescent health and development program.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Tinutugunan din ang early childhood care and development at edukasyon ng mga bata sa pamamagitan ng 107 day care centers at 100 day care workers. May mga programa rin sa child labor, street children, children most at risk at children in conflict with the law.
Sa susunod na taon (2020), madaragdagan ang assessment tool na gagamitin kung saan bibigyang pansin ang infrastructure, environment, cultural, socio economic, psycho social aspects at iba pang developmental programs for children.
Bibigyang puntos din aniya ang programa ng city government sa pagmomonitor ng Juvenile Welfare Act kung saan dapat mababa ang bilang ng mga batang nagkasala at mga batang naabuso.
Sa lungsod aniya ay mababa ang bilang nga mga ganitong kaso. “Mayroon man tayong mga ganitong kabataan, alam natin kung paano i-address ang mga isyu at problema, may mga preventive measures tayo, at sasailalim sa rehabilitasyon ang mga batang magkakasala,” dagdag pa ni Española.
Patuloy ang rescue operation sa mga rugby boys sa pakikipagtulungan ng kapulisan at sumasailalim sila sa counseling at iba pang programa habang ang iba ay inilagay sa institusyon, naibalik sa kanilang pamilya at napauwi sa kani-kanilang probinsya.
Prayoridad din ng City Peace and Order Council ang pagtulong sa rehabilitasyon ng mga street children at rugby boys. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from Ronna Contreras-PIO Batangas City)

No comments