November 9, 2019 GUMACA, Quezon - Inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa pamamagitan ng Museo ng Gumaca katuwang ang Tuklas Tayabas ...
GUMACA, Quezon - Inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa pamamagitan ng Museo ng Gumaca katuwang ang Tuklas Tayabas Historical Society at Sentinel Times ang kaunaunahang talakayan tungkol kay Apolinario de la Cruz na higit na kilala sa pangalang Hermano Puli.
Isinagawa ang talakayan noong nakaraang ika-4 ng Nobyembre, 2019 sa Museo ng Gumaca . Naging pangunahing tagapagsalita si Prof. GILBERT E. MACARANDANG. PH.D. ng UP-Los Baños.
Nagsimula ang palatuntunan eksaktong ika-2 ng Hapon. Panalangin na nagmula kay Bb. Leah Labordo, Miyembro ng Tuklas Tayabas, na sinundan naman ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Nagbigay ng pambungad na pananalita si G. Albert Vincent F. Barretto, Mananaliksik ng Museo ng Gumaca, na sinundan naman ng mensahe mula kina G. John Ysrael Valdeavilla ng Tuklas Tayabas Historical Society, G. Felino A. Tañada na direktor ng pelikulang Hermano Puli. Ibinahagi ni Direk Tañada ang isang proyekto para sa film showing tungkol kay Hermano Puli ngayong darating na 2020. Isang makasaysayang mensahe naman ang nagmula sa Punong Bayan ng Gumaca, Igg. Webster D. Letargo. Buong suporta ang ipinakita ng buting punong bayan at hindi nag alinlangan sa anumang tulong.
Ipinakilala naman ni Bb. Princess Mhay V. Hernandez ang panauhing tagapagsalita na si Prof. Gilbert E. Macarandang. Nagbigay naman ng makabuluhang pagtalakay patungkol kay Hermano Puli si Prof. Macarandang.
Sa bandang huli ng programa ay nagkaroon ng bukas na katanungan na nagmula sa mga tagapakinig. Pinagkalooban ng aklat ang mga nagtanong na mga tagapakinig. Nagkaroon naman ng tanong na nagmula sa mga punong-abala na siyang sinagot naman naman ng mga tagapakinig. Binigayan din ng aklat ang mga tagapakinig na wastong sumagot sa mga katanungan.
Dinaluhan ang talakayan ng mga mag-aaral at guro mula sa Leon Guinto Memorial College ng Atimonan sa pangunguna ng kanilang guro G. Arjay Targa; Holy Child Jesus College, Eastern Quezon College. Dumalo rin si Fr. Grenia, Mark Anthony Jacob Glorioso - Curator ng Museo ni Jessie Robredo, at mga dating mag-aaral ng AB History ng SLSU - Lucban.
Pagkatapos ng programa ay nagkaroon ng heritage tour ang mga tagapakinig sa Museo ng Gumaca, Kutang San Diego, Katedral ng Gumaca, at Presidencia ng Gumaca (Munisipyo).
No comments